Kasama LR

Directions Contact the organization

Kasama LR Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Kasama LR, Community Organization, Dasmariñas.

Ang (KASAMA-LR) Katipunan ng mga Lehitimong Magsasaka at Mamamayan sa Lupang Ramos ay isang progresibong organisasyon na naglalayon ng tunay na repormang agraryo.

Maligayang Kaarawan Atty. Luchi Perez . Mula sa puso ng mga magsasaka ng KASAMALR🫡Pagbati at pasasalamat sa patuloy mong...
09/09/2026

Maligayang Kaarawan Atty. Luchi Perez . Mula sa puso ng mga magsasaka ng KASAMALR🫡
Pagbati at pasasalamat sa patuloy mong pakikilakbay sa hanay ng uring magsasaka! Mabuhay ka✊️

Maligayang Kaarawan, Atty. Luchi! Padayon sa paglilingkod at pakikibaka kasama ang masang anakpawis!

𝘽𝙪𝙝𝙖𝙮 𝙣𝙖 𝙗𝙪𝙝𝙖𝙮 𝙖𝙣𝙜 𝙙𝙞𝙬𝙖 𝙣𝙜 𝙗𝙖𝙮𝙖𝙣𝙞𝙝𝙖𝙣 — mula sa Kusina ng Komunidad hanggang sa tahanan ng mga nasalanta ng nakaraang bag...
27/08/2026

𝘽𝙪𝙝𝙖𝙮 𝙣𝙖 𝙗𝙪𝙝𝙖𝙮 𝙖𝙣𝙜 𝙙𝙞𝙬𝙖 𝙣𝙜 𝙗𝙖𝙮𝙖𝙣𝙞𝙝𝙖𝙣 — mula sa Kusina ng Komunidad hanggang sa tahanan ng mga nasalanta ng nakaraang bagyo at habagat. Lubos ang aming pasasalamat sa mga nakiisa at tumulong. Mula sa ambagan ng produktong gulay, naisagawa ang aming community kitchen.

Salamat sa mga kaibigan mula sa 𝐔𝐧𝐢𝐨𝐧 𝐓𝐡𝐞𝐨𝐥𝐨𝐠𝐢𝐜𝐚𝐥 𝐒𝐞𝐦𝐢𝐧𝐚𝐫𝐲 (𝐔𝐓𝐒), 𝐔𝐧𝐢𝐭𝐞𝐝 𝐂𝐡𝐮𝐫𝐜𝐡 𝐨𝐟 𝐂𝐡𝐫𝐢𝐬𝐭 𝐢𝐧 𝐭𝐡𝐞 𝐏𝐡𝐢𝐥𝐢𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞𝐬 - 𝐓𝐫𝐞𝐜𝐞, mapagkawanggawang miyembro ng 𝐌𝐢𝐧𝐢𝐬𝐭𝐫𝐢 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐥𝐢𝐤𝐚𝐬𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐒𝐚𝐢𝐧𝐭 𝐏𝐚𝐮𝐥 𝐏𝐚𝐫𝐢𝐬𝐡 - 𝐋𝐚𝐧𝐠𝐤𝐚𝐚𝐧, sa mga Pastor, Pari at Madreng tumangkilik ng aming mga produktong gulay at mais, at sa 𝐔𝐧𝐢𝐭𝐞𝐝 𝐌𝐞𝐭𝐡𝐨𝐝𝐢𝐬𝐭 𝐂𝐡𝐮𝐫𝐜𝐡 𝐆𝐞𝐧𝐞𝐫𝐚𝐥 𝐁𝐨𝐚𝐫𝐝 𝐨𝐟 𝐆𝐥𝐨𝐛𝐚𝐥 𝐌𝐢𝐧𝐢𝐬𝐭𝐫𝐢𝐞𝐬 na nagbigay ng tigsasampung kilong bigas bilang donasyon para sa 100 pamilyang magsasaka.

Tuloy-tuloy pa rin po ang aming panawagan upang maipagpatuloy ang aming community kitchen. Muli, mula sa bawat pamilyang magsasaka, taos-puso ang aming pasasalamat sa mga simbahang tumugon sa aming panawagan at sa mga indibidwal na patuloy na sumusuporta sa laban ng KASAMA-LR. Mabuhay kayo!

Sa patuloy na nararanasang matinding pag-ulan dulot ng   na mas pinatindi ng mga nagdaang bagyong   at  , lubos na napin...
14/08/2026

Sa patuloy na nararanasang matinding pag-ulan dulot ng na mas pinatindi ng mga nagdaang bagyong at , lubos na napinsala ang inaasahang pananim ng mga magsasaka sa Lupang Ramos. Maraming bahay ang nasira at dahil sa sama ng panahon, marami ang hindi makapag-hanapbuhay.

Sa ganitong kalagayan, maglulunsad ang samahan ng Community Kitchen at Bayanihan upang makatulong sa bawat pamilya sa loob ng komunidad.

Sa mga nagnanais tumulong, tumatanggap kami ng 𝑰𝒏-𝑲𝒊𝒏𝒅 𝑮𝒐𝒐𝒅𝒔 tulad ng mga sumusunod:

📌Bigas
📌Food Packs
📌Canned Foods
📌Mga pampalasa na hindi madaling masira (toyo, mantika, asin, s**a, patis at iba pa)
📌Bota
📌Kapote
📌Payong
📌Gamot

Makipag-ugnayan sa aming opisyal na page ( Kasama LR) o sa aming email ([email protected]).

Ang inyong tulong ay lubos naming ipinagpapasalamat!

12/08/2026

"𝗔𝗻𝗴 𝗮𝗺𝗶𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗮𝘄𝗮𝗴𝗮𝗻 𝗹𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗮𝘆 𝗽𝗮𝗹𝗮𝘆𝗮𝘀𝗶𝗻 𝗻𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗺𝗶𝗹𝗶𝘁𝗮𝗿 𝗱𝗶𝘁𝗼 𝘀𝗮 𝗮𝗺𝗶𝗻𝗴 𝗸𝗼𝗺𝘂𝗻𝗶𝗱𝗮𝗱..."

KASAMA - LR has for years borne first-hand witness to the extreme lengths state personnel and powerful entities will go to impose greed over land ownership and silence community dissent.

Yesterday, August 11, marked the first anniversary since three of their most steadfast leaders, Miriam Villanueva, Anna Padilla, and Jojo Mercado, collectively referred to as the Lupang Ramos 3, were charged with trumped-up accusations of grave coercion and threats. These charges followed an incident where AFP soldiers intruded into their community in Dasmariñas City, Cavite, only to be met expectedly with counter-escalation and local resistance.

The farming locale has long been among the epicenters of multiple agrarian struggles in the province, all victims of the government’s decades-long failure to enact genuine land rights reforms. Productive lands tilled by generations of farming families are now being illegally sold to and claimed by private entities, including E.M. Ramos & Sons, Inc. (EMRASON), St. Francis Square Group of Companies (headed by Luke Roxas), and land-grabber Ayala Land, Inc. This corporate encroachment has triggered relentless surveillance, red-tagging, and disruptions by the local government and armed state personnel.

The charges filed against the community were initially aimed at 15 locals, including two minors. While the cases against the others were eventually junked, the Lupang Ramos 3 remain targets, underscoring the baseless and excessive nature of the repression they face as frontline defenders of their peasant community. Anna defies age limitations and stands as a senior citizen activist among them. Miriam remains among their most vocal, rightfully making her the spokesperson of the organization. Meanwhile, Jojo uses his youth and artistry to promote progressive culture among his generation and mobilize them in presenting their plight to the public.

Despite the legal harassment, their commitment has never wavered. They champion food sustainability through science-informed agroecology and organic farming while leading the fight for peasant and women's rights. This dedication is what paved their way to being recognized in 2024 when they were awarded in the Organization Category at the 8th Gawad Bayani ng Kalikasan.




---

The Gawad Bayani ng Kalikasan, co-organized by the Center for Environmental Concerns - Philippines, the IBON Foundation, and this year's cooperating organizations, are proud to bring to you the 9th Gawad Bayani ng Kalikasan awards, paying tribute to those who refuse to surrender to inaction, greed, or social injustice.

Let us celebrate their valor. Let us stand and struggle. Let us rise with them.

‎IBASURA ANG MGA GAWA-GAWANG KASO SA MGA MAGSASAKA! MILITAR SA LUPANG RAMOS, PALAYASIN! RESOLUTION  #1, IBASURA!‎‎Kahapo...
28/04/2026

‎IBASURA ANG MGA GAWA-GAWANG KASO SA MGA MAGSASAKA! MILITAR SA LUPANG RAMOS, PALAYASIN! RESOLUTION #1, IBASURA!
‎
‎Kahapon, isinagawa ang pre-trial conference para sa kaso nina Miriam Aledia Villanueva, Jojo Mercado, at Anna Padilla – mga kasapi ng KASAMA LR na mas kilala bilang Lupang Ramos 3.Sila ay kinasuhan ng 202nd Civil Military Operations/ Task Force Ugnay (202nd CMO/TFU) hindi dahil sila ay mga kriminal, kundi dahil sila ay mga magsasakang nagtatanggol sa lupang kanilang sinasaka at pinapagyaman. Ang mga kasong isinampa sa kanila – Grave Coercion, Grave Threats, at Light Threats – ay pawang gawa-gawa lamang at walang katotohanan. Ito ay malinaw na pagtatangka upang takutin, patahimikin, at wasakin ang buhay ng mga lider at kasaping naninindigan para sa karapatan sa lupa.
‎
‎Kahit anong kasinungalingan at pag papaawa ang gawin ng mga kasundaluhan, malinaw sa mga magsasaka at mamamayan ng Lupang Ramos na ang kanilang pananatili sa lupang sakahan na ating dinedepensahan ay nasa layunin ng pagdurog sa ating paglaban upang malayang makapasok ang kanilang mga debeloper na panginoon. Bilang mga hinubog na papet upang ipagtanggol ang mga mayayamang pinagsisilbhan nila, walang pag aalinlangang magsasarbeylans, mananakot, mangyurak ng dangal at kahit pumatay ang AFP. Pinatunayan ito ng madugong kasaysayn ng kasundaluhan.
‎
‎Nagkakamali sina Lt. Guillepa at ang kaniyang mga tauhan at bossing na mapapahupa ng mga gawa gawang kasong ito ang matibay na pagkakaisa ng mamamayan ng Lupang Ramos upang depensahan ang Lupang sakahan at tirahan. Lalong nagkakamali ang pamilyang Barzaga at ang kanilang mga alipores sa Munisipyo na ang pagtatago sa likod ng AFP at ng pekeng resolution #1 ay magbibigay sa kanila ng inaangking 100 ektarya sa ating sakahan.
‎
‎Matapang na haharapin ng komunidad ng Lupang Ramos, sa pangunguna ng KASAMA LR ang mga pananakot, harassment at lahat ng banta sa buhay, kabuhayan at seguridad. Nananawagan din ang KASAMA LR sa lahat ng mga kaibigang organisasyon at indibidwal na tuluy tuloy na ilantad ang kahungkagan ng 202nd CMO/TFU at ipanawagan ang pagpapabasura ng mga gawa gawang kaso sa mga magsasaka ng Lupang Ramos!
‎

23/04/2026

Justice for Maureen Keil Santuyo! Stop the militarization in Negros!

The Amihan National Federation of Peasant Women is one with the Filipino people and the whole peasantry in calling for justice for Maureen Keil Santuyo, a peasant organizer, and the end of militarization in Negros island of the US-Marcos regime.

Moreover, the peasant women group denounced the massacre of civilians including Maureen and displacement of at least 800 individuals by the units of the Armed Forces of the Philipines happened in Toboso, Negros Occidental last April 19.

Maureen, 24 years old, was a well-known youth organizer in UP Diliman under National Network of Agrarian Reform Advocates (NNARA Youth) before becoming a peasant organizer in Negros. She led various campaigns inside the university to support the campaign of the landless farmers and agricultural workers for land and justice.

The peasant women in the country mourns her death. Her persistence to become a peasant organizer was a sign of bravery even the region was highly militarized by the AFP and US-Marcos regime.

The call for justice for Maureen along with Errol Wendel, a researcher of the Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA), Roel Sabillo, student Alyssa Alano, and journalist RJ Ledesma is a legitimate call and to hold the perpetrators accountable.

The AFP's claims that they are members of the New People's Army are all lies. The military operations included indiscriminate firing and strafing violated the International Humanitarian Law that primarily affected the lives and livelihood of civilians in the peasant communities .

Amihan added that during the Duterte regime, under the localized counter-insurgency program MO 32, rampant militarization and various human rights violations were recorded. The de facto martial law in Negros was continued by Marcos which resulted to many cases of harassment, illegal arrest and detention, forced disappearances, and some of the most vicious massacres perpetrated on peasants, including peasant women and children.

As we mourn the death of Maureen and Errol and all the victims of the fascist regime, we will continue to call for justice and hold this regime accountable. # # #

23/04/2026

Justice for Errol Wendel!

The Amihan National Federation of Peasant Women vehemently condemns the Armed Forces of the Philippines and Bongbong Marcos, Jr for the massacre in Toboso, Negros Occidental that killed 19 people including civilians and displaced at least 800 individuals on April 19.

Amihan mourns the killing of Errol Wendel, a 24-year-old researcher of the Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura who was in Negros at the time gathering data for a situationer report on Negrosanon sakadas. Errol was a community organizer among sugar workers in Hacienda Luisita before traveling to Negros to work on the report.

Prior to joining UMA, Errol was an artist who helped with the projects and campaigns of Artista ng Rebolusyong Pangkultura (ARPAK).

The AFP’s claims that Errol, along with other civilians like farmer Roel Sebillo, peasant organizer Maureen Keil Santuyo, student Alyssa Alano, and journalist RJ Ledesma were members of the New People’s Army involved in the military operations in Brgy Salamanca are lies that aim to justify the carnage that occurred.

There are clear indications that International Humanitarian Law was violated as the military operations in Toboso were enforced. Locals shared that some families were unable to evacuate as they would already be caught in the crossfire. They also reported of indiscriminate firing and strafing, and the heavy presence of soldiers in the area and in neighboring towns. The evacuation of 653 persons in Toboso was sudden and forcible, and evacuees were prohibited from returning to their homes and farmlands until the clearing and hot pursuit operations were completed. Additionally, 196 individuals were evacuated in Escalante, and parts of the city were closed.

The AFP once again fabricates a narrative in a desperate attempt to cover their tracks as brutal murderers and terrorists. They won’t confirm local reports of having foreigners among the casualties, and they released false news to the media that each of the 19 casualties was an armed combatant, complete with a neat set of 19 high-power guns as visual props.

This fabrication is in keeping with the AFP’s long history of deceit and dishonesty. Memorandum Order 32, which declared Negros as a site of “lawless violence,” was used by Duterte and then Marcos Jr to justify the deployment of an increasing number of troops to Negros Island. Intense militarization has resulted in cases of harassment, illegal arrest and detention, forced disappearances, and some of the most vicious massacres perpetrated on peasants, including peasant women and children.

Amihan calls for a thorough investigation of the Toboso massacre and for the AFP and Marcos Jr to be held accountable for these unspeakable crimes. Amihan calls for the abolishment of the NTF-ELCAC and junking of MO 32. The AFP and PNP have no business in the countryside. Instead of defending our national sovereignty, the AFP attacks and terrorizes the Filipino people to make way for foreign interests and oligarch families to continue to plunder Negros’ expansive agricultural land and rich natural resources.

Justice for Errol Wendell! Stop Militarization in the Countryside! Defend Negros!

SA LABAN NG TSUPER AT KOMYUTER, KASAMA ANG MGA MAGSASAKA NG LUPANG RAMOS! Taas kamaong nagpupugay at nakikiisa ang Katip...
27/03/2026

SA LABAN NG TSUPER AT KOMYUTER, KASAMA ANG MGA MAGSASAKA NG LUPANG RAMOS!

Taas kamaong nagpupugay at nakikiisa ang Katipunan ng mga Lehitimong Magsasaka at Mamamayan sa Lupang Ramos (KASAMA LR) sa isinasagawang strike ng mga tsuper at operyetor sa buong bansa ngayong araw laban sa tuluy tuloy na pagtaas ng presyo ng langis. Kasama kami sa pagkundena sa inutil na administrasyong walang pakialam sa kaniyang Mamamayan at sa hirap na danas natin sa pagtaas ng presyo ng langis na nagdudulot ng malawakang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Maging ang mga magsasaka ay nangangailangan ng langis para sa paghahanda ng lupang sakahan, partikular sa traktora, tilyar at sa pagdadala ng produktong bukid papunta sa mercado. Dahil dito, ramdam na ramdam namin ang lupit ng Oil Price Hike na hindi makontrol ng pamahalaan dahil sa pagsasapribado ng industriya ng langis sa bansa at pagbibigay sa mga pribadong korporasyon ng langis katulad ng PETRON ng kapangyarihang walang ampat na magtaas ng presyo sa bisa ng Oil Deregulation Law.

Sa aming munting kakayahan sa panahon ng tag-araw, ipinapahatid namin ang aming pagsuporta at pagtindig sa pamamagitan ng mga produktong bukid mula sa aming komunidad. Mabuhay ang mga nakikibakang tsuper at operyetor! Alam namin na ang ating pagtindig ay para sa ating mga pamilya at sa buong sambayanan.

ROLLBACK SA PRESYO NG LANGIS, IPATUPAD!

OIL DEREGULATION LAW, IBASURA!

VAT AT EXCISE TAX SA LANGIS, TANGGALIN! BUWISAN ANG MAYAYAMAN, HINDI ANG MAMAMAYAN!

08/03/2026

‎SA PANDAIGDIGANG ARAW NG KABABAIHAN, ATING PANAWAGAN:
‎
‎VAT, ALISIN! NAKAW NA YAMAN, BAWIIN!
‎MILITAR SA LUPANG RAMOS, PALAYASIN!
‎
‎
‎Nakikiisa ang Katipunan ng mga Lehitimong Magsasaka at Mamamayan sa Lupang Ramos ( KASAMA LR) sa pagdiriwang ng pandaigdigang araw ng kababaihan. Pinagpupupugayan namin ang mga babaeng piniling maglingkod sa mga magsasaka, manggagawa at maralita, at nagbalikwas sa lipunang doble doble ang pagsasamantala sa kanila.
‎
‎Sa kasaysayan ng Lupang Ramos, nasa unahan ng pagtatanggol sa lupang sakahan ang mga kababaihan at hanggang sa kasalukuyan, bitbit ng mga kababaihang magsasaka ang sulo ng pakikibaka para sa tunay na repormang agraryo.
‎
‎Nakikiisa ang KASAMA LR sa panawagan ng Araw ng Kababaihan ngayong taon- Alisin ang pahirap na 12% Value Added Tax sa mga bilihin na nagpapahirap sa maralita, at sa halip ay buwisan ang mga dambuhalang korporasyon at kumpanyang pang mina! Bawiin ang bilyun bilyong pisong nakaw ng mga Marcos, Duterte at ng kanilang mga kasapakat!
‎
‎Dagdag dito, tangan natin ang panawagan para palayasin ang mga kasundaluhan ng Task Force Ugnay-2nd CMO na nagpapasasa sa buwis na ating pinaghihirapan, habang patuloy na naniniktik at nangreredtag sa mga lider ng bungkalan! Sa kanilang desperasyon, hindi na nasapatan sa mga gagawang kasong kriminal ngunit nagtutulak din ang mga berdugo ng pagdedeklara ng Persona Non Grata sa mga lider magsasaka upang palabasing ayaw sa mga lider na ito ang mamamayan. Ngunit kahit anong gawin nilang pagpapabango, mga militar at ang rehimeng Marcos - Duterte ang isinus**a ng taumbayan!
‎
‎
Ibasura ang mga gawa gawang kaso laban sa mga magsasaka ng Lupang Ramos!
‎
Ibasura ang Resolution #1 ng Dasmariñas Peace and Order Council na naglalagay panganib sa buhay ng mga magsasaka at mamamayan sa Lupang Ramos!

TASK FORCE UGNAY-2ND CMO, SAGAD-SAGARING SINUNGALING AT RED-TAGGER! LAYAS SA LUPANG RAMOS!Mariing kinukundena ng Katipun...
24/02/2026

TASK FORCE UGNAY-2ND CMO, SAGAD-SAGARING SINUNGALING AT RED-TAGGER! LAYAS SA LUPANG RAMOS!

Mariing kinukundena ng Katipunan ng mga Lehitimong Magsasaka at Mamamayan ng Lupang Ramos (KASAMA LR) ang red-tagging ng troll accounts ng Task Force Ugnay - 2nd CMO Battalion ng Philippine Army (TFU) sa mga kasapi ng ating samahan. Isinasagawa nila ito sa pagsesend ng private messages at posters gamit ang dummy accounts kung saan dinidemonyo ang mga kasapi ng KASAMA LR at iba pang organisador ng mga magsasaka. Desperado itong nagpapakalat ng mga intriga, kasinungalingan, pagbabanta at pang-iintimida sa mga residente para sirain ang pagkakaisa ng samahan.

Sa loob ng higit dalawang taon na pagkakampo sa ating komunidad, bigo ang mga sundalo na takutin ang mga magsasaka at mamamayan ng Lupang Ramos sa pamamagitan ng paniniktik at pagsasampa ng gawa gawang kaso. Lalong bigo ang mga bayarang berdugo na linlangin ang mga magsasaka at residente sa kanilang pagpapanggap na sila ay ‘tutulong sa laban sa lupa’ at nagkampo sa ating komunidad para sa kapayapaan. Batid natin na hindi matatakpan ng mga lumang tinapay at palugaw ang mga duguang kamay at maitim na balak ng TFU.

Ang TFU-2nd CMO ang nagsisilbing pribadong goons ng mga mangangamkam ng lupa tulad ng EMRASON, pamilyang Barzaga, Ayala at St. Francis Square na pinagbentahan ng lupa ng mga anak ni Emerito Ramos at ngayon ng pumoposturang SOLAR Philippines na nagpapakalat ng usapin ng bentahan sa lupa. Layunin nilang durugin ang KASAMA Lupang Ramos - ang tanging samahan sa 372 ektaryang lupain na magiting na dumedepensa sa lupang sakahan at palayasin ang mga magsasaka upang madulas na maitulak ng mga amo nilang debeloper ang planong pagpapalit gamit ng Lupang Ramos patungong residensyal at komersyal.

Dagdag pa, tulak ng desperasyon ng mga heneral at opisyal na makakuha ng dagdag bonus at insentibo, pinakawalan ng TFU ang mga trolls na nagkakalat ng intriga, pagbabanta at mga poster ng pangrered-tag sa mga kasapi ng samahan. Kasapakat ang kanilang bayarang asset/informant sa katabing komunidad, nag-asal chismosa ang mga kasundaluhan sa pag-asang masisira ng mga walang kwentang intrigang ito ang pagkakaisa ng mga magsasaka at mamamayan sa Lupang Ramos.

Hindi abot ng kakayahang umintindi ng mga utak pulburang tauhan ng 2nd CMO-TFU ang halaga ng lupang sakahan at tirahan sa mga kasapi ng KASAMA LR na nagtutulak sa atin bakit tayo lumalaban. Ang pagkakaisa natin ay hindi nabibili ng pera, kundi buhay at kabuhayan para sa ating pamilya. Gasgas na gasgas na ang kanilang naratibong ‘rekruter’ at ‘terorista’ para iiligalisa ang ating pakikibaka para sa tunay na reporma sa lupa at batayang karapatan.

Nananawagan ang KASAMA LR sa mga kaibigang organisasyon at indibidwal, at sa aming mga kapwa magsasaka at Kabitenyo na ipaabot sa aming samahan ang mga ulat ng pangrered-tag at pagbabanta sa aming mga kasapi, at maagap na i-report at i-block ang mga troll accounts na nagpapalaganap nito.

Sama-sama nating kundenahin ang mga paglabag ng TFU at buong kasundaluhan sa karapatang pantao, at ilantad ang kanilang kasinungalingan! Militar sa Lupang Ramos, Palayasin! #

Address

Dasmariñas
4114

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kasama LR posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Kasama LR:

Shortcuts

Share