20/02/2020
Barangay Paliparan II
MENSAHE MULA SA PUNONG BARANGAY (PEBRERO 20, 2020)
PARA SA KAALAMAN NG LAHAT, IPINAPAABOT PO NG PAMUNUAN NG ATING BARANGAY NA SA LIKOD NG PANGAMBANG NAIDULOT SA ATING MGA MAMAMAYAN NANG NAPABALITANG MAY PASYENTENG POSITIBO SA COVID-19 SA ATING BARANGAY, ANG SITWASYONG ITO AY AGARANG HINARAP AT IPINAABOT NATIN SA MGA AWTORIDAD NA SIYANG HUMAHAWAK SA GANITONG SITWASYON.
Ang nasabing SUSPECTED PATIENT na galing Hongkong ay agarang dinala sa RITM. at siya po ay nag-NEGATIBO sa nasabing virus at ngayon po ay ok na siya,. wala nang lagnat at nakalabas na ng ospital.
Malugod kong ipinababatid na WALANG DAPAT IKABAHALA ANG ATING MGA KABARANGAY sa likod ng nakalipas na pangyayari.
Samantala, kayo'y pinaaalalahanan na para sa ating kalusugan, tayo ay patuloy na mag-ingat at sumunod sa mga itinakdang paraan lalo na ng Department Of Health upang maiwasan ang sakit na COVID-19.
At kung kayo po ay may kakilala na posibleng virus carrier at galing ibang bansa, ireport lamang po dito sa tanggapan ng Barangay upang ito ay agarang maaksyunan.
Maraming salamat po sa inyong lahat.
PB ERNESTO M. SANTIAGO
Punong Barangay