06/06/2026
Bilang bahagi ng matagumpay na pagpapatupad ng Brigada Eskwela 2026, taos-pusong nagpapasalamat ang Langkaan II National High School sa Pamahalaang Barangay ng Langkaan II sa pangunguna ni Kapitan David John Paulo Laudato, sa mga Barangay Kagawad na sina Alberto Agustin, Alberto Bautista, Alfeo Sollegue, Fernando Laudato Jr., Mark Henry Barcena, Enrico Sango, at Danilo Galinato, gayundin sa lahat ng mga kawani at kasamahan ng Barangay na naglaan ng kanilang oras, lakas, at serbisyo upang makatulong sa paghahanda ng ating paaralan.
Sa pamamagitan ng kanilang sama-samang pagkilos sa pagputol ng mga puno at sanga na maaaring magdulot ng panganib at sa pagsasagawa ng fogging operation sa buong paaralan, naging mas ligtas, mas malinis, at mas handa ang ating paaralan para sa pagbubukas ng klase.
Ang kanilang aktibong pakikilahok ay tunay na nagpapakita ng diwa ng bayanihan, malasakit, at pagkakaisa para sa kapakanan ng ating mga mag-aaral at ng buong komunidad. Maraming salamat po sa inyong walang sawang suporta at pakikiisa sa mga programa ng paaralan. Kayo po ay mahalagang katuwang sa paghubog ng isang ligtas at maayos na kapaligiran para sa pagkatuto.