01/08/2026
VIRAL VIDEO, NAGING SUSI SA PAGKAKAARESTO NG SUSPEK SA PAGNANAKAW NG KABLE NG KURYENTE SA BACOOR!
Agosto 1, 2026 — Arestado na ang suspek na sangkot umano sa pagnanakaw ng mga kable ng kuryente na ginagamit sa mga ilaw sa lansangan sa Bacoor matapos itong matukoy sa tulong ng isang viral na video na kumalat sa social media.
Batay sa ulat, mabilis na nakipag-ugnayan ang mga kinauukulan sa Bacoor PNP at mga barangay, dahilan upang agad na matunton at maaresto ang suspek. Kasalukuyan na itong nasa kustodiya ng pulisya habang nagpapatuloy ang kaukulang imbestigasyon.