28/08/2026
Islamic Symposium for Non-Muslims 🤝
Alhamdulillah! Matagumpay na naisagawa kahapon ang Islamic Symposium for Non-Muslims sa Masjid Jami’ Al-Ghali, isang makabuluhang pagtitipon na naglalayong magbahagi ng tamang kaalaman tungkol sa Islam, magbigay ng pagkakataon para sa bukas na pag-uusap, at higit pang palakasin ang pagkakaunawaan at kapayapaan sa pagitan ng mga komunidad.
Isang karangalan para sa Al-Ibadah Peace Advocates of the Philippines na maging bahagi ng mahalagang gawaing ito, kasama ang mga Du‘at ng Masjid Jami’ Al-Ghali at mga kapwa Du‘at mula sa ISCAG.
Sa pamamagitan ng sama-samang pagsisikap, hangad nating maiparating ang mensahe ng Islam nang may hikmah, magandang asal, respeto, at kapayapaan.
“Inaanyayahan mo sa landas ng iyong Panginoon nang may karunungan at magandang pangangaral…”
— Qur’an 16:125
Nawa’y tanggapin ng Allah ang aming mga pagsisikap, gantimpalaan ang lahat ng naging bahagi ng programang ito, at gawin Niyang daan ang bawat mabuting salita tungo sa pagkakaunawaan, pagkakaisa, at kapayapaan.
Alhamdulillah for every opportunity to serve, educate, and build bridges of peace. 💙