17/06/2026
Mga Ka-HOA,
Nais namin ipaalam na magkakaroon ng 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) na gaganapin bukas, June 18, 2026, 9:00 AM.
Tayo po ay inaanyayahan na makilahok at makiisa sa Earthquake Drill na ito para sa ating kaalaman sa paghahanda sa sakuna na dulot ng lindol.
Maari tayong pumunta bukas sa ating HOA Office at hintayin ang hudyat ng pagtunog ng siren. Kapag narinig na ang hudyat, tayo ay mag "Duck, Cover, and Hold" sa loob ng tatlong (3) minuto. Pagkatapos ng tatlong (3) minuto tayo ay mag evacuate at pupunta na ng maayos sa ating designated assembly or evacuation area. Kailangan din natin bilangin ang mga nag evacuate na nasa evacuation area.
Huwag natin balewalain ang Earthquake Drill para sa ating paghahanda at kaligtasan kasama ng ating pamilya.
Sa mga makilahok, ito ay isusumite ng ating HOA Admin sa opisina ng HOA Affairs, Dasmariñas City.
Magkita-kita po tayo bukas mga Ka-HOA!
Maraming salamat po.
Mayor Jenny Austria-Barzaga
Bagong Barangay Paliparan II
HAFCOD-Homeowners Association Federation of the City of Dasmariñas