21/10/2025
Posted collection Report is base on Goodhands ageing report last Sept 2025, may mga pinadalhan na po kame ng notice of unpaid dues and yung iba po ay nag bayad at nakipag usap naman po regarding sa settlement ng arrears nila.. If ever may questions po eto po sa dues nila eto po ang email ni Goodhands [email protected] and [email protected].
Para sa mga nag nanais po mag serbisyo para sa Community ng VDS2 as Officers you are all welcome po to submit your intent letter or pwede kayo mag pasa ng letter kung sino ang gusto nyo po iboto as Officers
Note:
Hindi na po kame tatakbo due to work, health and personal reasons. Tinatapos na lang po namin ang December to properly turn over yung mga documents and Financial reports.
One lesson na natutunan namin bilang officer for almost 5yrs hindi pala sapat na maganda lang intensyon mo sa community mo para mamuno ka, kailangan meron ka din solid na suporta sa community na pinag sisilbihan mo, aminin natin ang iba talaga sa members natin ay kailangan pa pilitin mag bayad ng dues at ang iba ang tingin sa mga officers ay katulong nila na pinasasahod at yun ang masakit na katotohanan. Opo ginusto namin na tumakbo para sana maayos ang VDS2 pero mukha atang hindi na kame ang kailangan ng subd na eto kaya kung sa tingin nyo po mas maibibigay nyo sa VDS2 ang maganda, secured at maayos na community, we are encouring you to step up po.
Maraming Salamat po sa lahat ng nag titiwala at nag tiwala, this is Marlon Puno and MJ Toledo your HOA President and Secretary SIGNING OFF..