09/06/2026
๐๐๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐น๐ถ๐๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป, ๐ฎ๐ป๐ผ ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐๐ฒ๐ป๐๐ผ๐ป๐ด ๐ถ๐ธ๐๐ธ๐๐ฒ๐ป๐๐ผ ๐ป๐ถ๐๐ผ ๐๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ฑ๐น๐ฎ? ๐ต๐ญโค๏ธโ๐ฅ
Sa bawat watawat na iwinawagayway at sa bawat awiting makabayan na ating inaawit, nakatago ang mga kuwento ng tapang, sakripisyo, at pagkakaisa ng mga Pilipinong nangarap ng isang malayang bayan. Ngunit higit pa sa isang pagdiriwang, ang Araw ng Kalayaan ay paanyaya upang muling balikan ang ating kasaysayan, kilalanin ang mga bayaning nagbukas ng landas tungo sa kalayaan, at pagnilayan ang ating papel sa pagpapatuloy ng kanilang ipinaglaban.
Bilang pakikiisa sa paggunita ng ika-12 ng Hunyo, inilulunsad ng ๐๐ข๐๐จ๐ฅ ๐๐ง๐ข๐ฏ๐๐ซ๐ฌ๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐จ๐ฅ๐ฅ๐๐ ๐ ๐จ๐ ๐๐๐ฎ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง - ๐๐จ๐ฅ๐ฅ๐๐ ๐ ๐๐ญ๐ฎ๐๐๐ง๐ญ ๐๐จ๐ฎ๐ง๐๐ข๐ฅ ang ๐๐๐: ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป, ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐ฏ๐๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ป, ๐๐ฎ๐๐ฎ๐๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป โ ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ด๐๐ป๐ถ๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ถ๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป na nakatuon sa ideyang โ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐น๐ฎ๐น๐ถ๐บ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐บ๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐ ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ต๐ผ๐ป.โ Sa pamamagitan ng programang ito, hangad nating buhayin ang diwa ng nasyonalismo sa isang makabago at makabuluhang paraanโsa pamamagitan ng malikhaing pagpapahayag, makabuluhang pagninilay, at pagpapalawak ng kaalaman tungkol sa ating kultura, kasaysayan, at pambansang identidad.
CEnians, sa bawat munting hakbang tungo sa pagiging responsableng mamamayan, nagiging bahagi tayo ng pagpapatuloy ng laban para sa isang mas mabuting Pilipinas. Sama-sama nating ipagdiwang ang kalayaan, palalimin ang ating kamalayang makabayan, at maging inspirasyon ng pagbabago para sa bayan at sa susunod na henerasyon. ๐ต๐ญโจ
๐๐ฉ๐๐ก๐ง ๐๐๐๐๐ฅ๐ฃ๐๐ฅ๐ฆ๐ข๐ก
Merry Joy N. Belista
BUCE - CSC Auditor Elect
๐๐ข๐ก๐ข๐ฅ๐๐ฅ๐ฌ ๐๐๐๐๐ฅ๐ฃ๐๐ฅ๐ฆ๐ข๐ก
Mary Clare Trix A. Borras
BUCE - CSC President Elect
๐ฆ๐ฝ๐ถ๐ฒ๐น ๐ฏ๐:
Paul Edison Z. Dalaguiado
BUCE-CSC, Public Information Officer Elect
๐๐ฎ๐๐ผ๐๐ ๐ฏ๐:
Jake M. Abache
BUCE - CSC Junior Councilor, Multimedia Committee
Code: BUCE-OPR26-06010