22/10/2025
| ๐๐จ๐ฒ๐ป๐ผ๐, ๐๐ฝ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ผ๐น ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐บ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐๐ฎ๐ด: ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ธ๐๐ป๐ฑ๐ฒ๐ป๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ ๐ก๐ผ๐ฒ๐น ๐๐ฒ๐น๐น๐ฒ๐ป ๐ฆ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ฟ
Sa gitna ng nagngangalit na p**t at matinding dalamhati, ang ๐๐ถ๐ฐ๐ผ๐น ๐จ๐ป๐ถ๐๐ฒ๐ฟ๐๐ถ๐๐ - ๐จ๐ป๐ถ๐๐ฒ๐ฟ๐๐ถ๐๐ ๐ฆ๐๐๐ฑ๐ฒ๐ป๐ ๐๐ผ๐๐ป๐ฐ๐ถ๐น, kasama ang mga ๐๐ผ๐น๐น๐ฒ๐ด๐ฒ ๐ฆ๐๐๐ฑ๐ฒ๐ป๐ ๐๐ผ๐๐ป๐ฐ๐ถ๐น๐, ๐ฆ๐๐๐ฑ๐ฒ๐ป๐ ๐ฃ๐๐ฏ๐น๐ถ๐ฐ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐, ๐ฆ๐๐๐ฑ๐ฒ๐ป๐ ๐ข๐ฟ๐ด๐ฎ๐ป๐ถ๐๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐, at ๐ก๐ผ๐ป-๐๐ผ๐๐ฒ๐ฟ๐ป๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐ข๐ฟ๐ด๐ฎ๐ป๐ถ๐๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐, ay nagkakaisa sa pagkundena sa brutal at walang-awang pamamaril sa mamamahayag na si Noel Bellen Samar sa Guinobatan, Albay, noong Lunes, ika-20 ng Oktubre, 2025. Sa kanyang katawan, apat na punglo ang bumao't sumiil sa kanyang tinig, at sa paglubog ng araw, ang kanyang huling hininga'y naging panawagan ng katarungang hindi maaaring patahimikin. ๐๐จ๐ฒ๐ป๐ผ๐, ๐ต๐๐๐ฎ๐ด ๐๐ฎ๐๐ผ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐น๐ถ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ต๐ถ๐บ๐ถ๐ธ.
Ang sinapit ni Noel Bellen Samar ay isang sugat sa ating demokrasya; isang sugat na nagdurugo at patuloy na nagpapaalala sa atin ng panganib na nakaamba sa katotohanan. Ang kanyang pagpaslang ay isang tahasang pagyurak sa kalayaan sa pamamahayag, kalayaan sa pagpapahayag, at sa karapatan ng bawat isa na makaalam. Hindi natin dapat ituring na pangkaraniwan ang ganitong karahasan. Hindi natin dapat hayaang maging isa lamang itong pangyayari sa mga pahina ng balita. Ang bawat atake sa isang mamamahayag ay atake sa ating lahat, at hindi tayo mananahimik.
Sa bawat mamamahayag na pinaslang, ang mga haligi ng ating demokrasya ay umuuga, ang mga boses ng katotohanan ay pinipigilan, at ang mga anino ng pang-aabuso't korapsyon ay lumalaki. Bilang mga Iskolar ng Bayan mula sa Bicol University, kasabay ng aming taos-pusong pakikiramay sa pamilya at mga kasamahan ni Bellen, muli naming pinagtitibay ang aming pangako na ipaglaban ang kanyang nasimulan, at itaguyod ang katotohanan sa gitna ng dilim.
Hindi ito isang isolated case lamang. Ang pagpaslang kay Noel Bellen Samar ay isang malinaw na manipestasyon ng impunidad. Isa itong manipestasyon ng sistematikong atake sa malawak na hanay ng mga media practitioners at sa mismong kalayaan ng pamamahayag. Sa nalalapit na buwan ng Nobyembre, kung kailan ginugunita natin ang Press Freedom Day at ang International Day to End Impunity for Crimes against Journalists, lalong tumitindi ang pangangailangan na manindigan at ipagtanggol ang karapatan ng mga mamamahayag na mag-ulat nang walang nararamdamang takot na dulot ng karahasan.
Nanawagan kami sa mga awtoridad na magsagawa ng mabilis, walang kinikilingan, at masusing pagsisiyasat upang bigyang katarungan si Noel Bellen Samar, ang kanyang mga mahal sa buhay, at lahat ng biktima ng pag-atake laban sa pamamahayag. Hindi dapat humarap sa kamatayan ang sinumang mamamahayag dahil lamang sa pagganap ng kanilang tungkulin na iulat ang katotohanan. Hindi mapapatahimik ng pagpuntirya sa mga mamamahayag ang mga kritikal na boses; lalo lamang nitong palalakasin ang loob ng marami na magsalita. Ang brutal na pagpatay na ito ay panawagan upang palakasin ang proteksyon para sa mga mamamahayag at itaguyod ang kalayaan sa pamamahayag. Kaya't nananawagan kami sa lahat ng BUenos at lahat ng mamamayan na tumindig kasama ang media at ipagtanggol ang kalayaan sa pamamahayag, at ang karapatan ng bawat isa na magsalita, lumikha, at mangarap ng isang lipunang malaya sa takot at karahasan.
Sama-sama nating labanan ang kawalang katarungan, pangalagaan ang kalayaan ng ating lipunan, at itaguyod ang alaala ni Noel Bellen Samar. Ang kanyang alaala ay mananatili sa ating mga puso.
๐๐๐๐๐ถ๐ฐ๐ฒ ๐ณ๐ผ๐ฟ ๐ก๐ผ๐ฒ๐น ๐๐ฒ๐น๐น๐ฒ๐ป ๐ฆ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ฟ!
๐๐ฒ๐ณ๐ฒ๐ป๐ฑ ๐ฃ๐ฟ๐ฒ๐๐ ๐๐ฟ๐ฒ๐ฒ๐ฑ๐ผ๐บ!
๐๐ป๐ฑ ๐๐บ๐ฝ๐๐ป๐ถ๐๐ ๐ก๐ผ๐!
Photo credits: The SPARK (Official Student-Community Publication of CSPC)