12/06/2026
Ngayong araw, kasama ang buong bansa sa paggunita ng ika-128 taon ng Araw ng Kalayaan.
Ating inaalala ang makasimbulong pagwagayway ng watawat sa pagtatapos ng higit tatlong siglong kolonyalismo ng Espanya at ang pahiwatig ng panibagong pakikibaka sa iba pang pagbabanta sa soberanya ng bansa. Ang Araw ng Kalayaan ay higit pa sa paggunita ng pagkakaroon ng sariling pamahalaan. Naghuhudyat din ito na ang kasarinlan ay sumasalamin na ang bawat Pilipino ay namumuhay nang may dignidad at katarungan, kabilang na ang sapat na akses sa mga serbisyong panlipunan.
Naninindigan ang Alliance of Nationalist Doctors na ang kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao na nakaangkla sa kalagayang panlipunan ng bansa. Bagamat humupa ang implasyon sa Pilipinas, nananatili ang krisis sa ekonomiya ng bansa na nagpapanatili ng mataas na presyo ng mga pangunahing pangangailangan, kabilang dito ang paglimita ng akses sa maayos na kalusugan at sapat na nutrisyon [a, b]. Kaya sa bawat pondong nasasayang dahil sa katiwalian, may mga libreng gamot, maayos na imprastraktura, makabagong pasilidad, at serbisyong medikal ang hindi nakakaabot sa mga komunidad na nangangailangan, lalo na sa mga rural na rehiyon ng bansa [c]. Isang tanda nito ay ang mga palpak na flood control projects at pagbulsa ng bilyon-bilyong kaban ng bayan na siya ring nagpahamak sa buhay at kalusugan ng mga Pilipino sa mga oras ng sakuna [d].
Bilang mga mag-aaral ng medisina, tungkulin nating pag-aralan hindi lamang ang ibaโt ibang klase ng mga kondisyon kundi pati na rin ang mga kanser sa lipunan na gumagapos sa ating mamamayan. Isa na rito ang patuloy na paglaganap ng disimpormasyon na lalong nagpapalubha sa krisis, hindi lamang sa kalusugan. Ilan lamang sa mga ito ang mga kampanyang naglalayong baluktutin ang panawagan para sa hustisya ng mga biktima ng extrajudicial killings, at ang pananakot sa mga Pilipino sa konteksto ng tensyon sa West Philippine Sea sa paraan ng mapanlinlang na naratibo sa social media [e].
Ang tunay na kalayaan ay hindi ipinagdiriwang sa isang araw lamang; bagkus, ito ay ang patuloy na pagtatanggol sa katotohanan at karapatan ng bawat Pilipinong araw-araw na nagbubuhos ng pawis at dugo para sa kanyang kasarinlan.
Sa diwa ng ika-128 anibersaryo ng ating kalayaan, ipagpatuloy natin iwagayway ang ating bandila at ang ating pakikibaka para sa soberanya ng bansa. Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang sambayanang Pilipino!
Mga sanggunian:
[a] Musรฑgi, R. (2026, June 6). BSP still under pressure despite surprise inflation slowdown | ABS-CBN News. https://www.abs-cbn.com/news/business/2026/6/6/bsp-still-under-pressure-despite-surprise-inflation-slowdown-2252
[b] World Health Organization: WHO. (2019, May 30). Social determinants of health. https://www.who.int/health-topics/social-determinants-of-health
[c] Flaminiano, C. J., Puyat, V. A., Antonio, V. A., Uy, J., & Ulep, V. G. (2023). Spatiotemporal analysis of health service coverage in the Philippines. Journal of Philippine Development, 47(2). https://doi.org/10.62986/pjd2023.47.2d
[d] Dizon, D. (2025, September 11). A timeline of the Philippine flood control scandal. ABS-CBN News. https://www.abs-cbn.com/news/nation/2025/9/11/a-timeline-of-the-philippine-flood-control-scandal-0600
[e] Cabato, R., Balbedina, N., Libot, G., Chi, C., Cabato, R., Balbedina, N., Libot, G., & Chi, C. (2025, December 31). Rewriting Reality: the information war that defined 2025. PCIJ.org. https://pcij.org/2025/12/31/rewriting-reality-the-information-war-that-defined-2025/
๐โค๏ธ๐
๐ผ๏ธ Christine Villegas