02/05/2026
𝗕𝗨𝗲ñ𝗼𝘀, 𝗺𝗮𝗴-𝗶𝗻𝗴𝗮𝘁 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆 𝗻𝗮 𝗮𝗸𝘁𝗶𝗯𝗶𝗱𝗮𝗱 𝗻𝗴 𝗕𝘂𝗹𝗸𝗮𝗻𝗴 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗻
Pinapaalalahanan ang lahat, lalo na ang mga BUeños, na maging lubos na maingat at mapagmatyag kasunod ng patuloy na strombolian activity ng Bulkang Mayon. Ang ganitong uri ng aktibidad ay maaaring magdulot ng biglaang pagsabog, pagbuga ng lava, abo, at mga batong maaaring mapanganib sa kalusugan at kaligtasan.
Mahigpit na ipinapayo ang pagsunod sa mga abiso at direktiba ng mga kinauukulang ahensya, kabilang ang agarang paglikas kung kinakailangan at pag-iwas sa mga itinakdang danger zones. Ugaliing magsuot ng face mask upang makaiwas sa paglanghap ng abo, manatili sa loob ng bahay hangga’t maaari, at panatilihing handa ang mga emergency kit.
Ang kaligtasan ng bawat isa ang pangunahing dapat isaalang-alang. Manatiling alerto, makinig sa opisyal na anunsyo, at pairalin ang disiplina at kooperasyon sa ganitong mga pagkakataon.