26/09/2026
♻️ TRISKELION ON THE MOVES | CLEAN-UP DRIVE 💪🤝
Hindi lamang sa salita ipinapakita ang tunay na diwa ng kapatiran kundi sa pagkilos, pagkakaisa, at paglilingkod sa komunidad.
Isang sama-samang hakbang ng Tau Gamma Phi Tagas Chapter ang isinagawang Clean-Up Drive sa aming nasasakupang komunidad bilang pagpapakita ng malasakit sa ating kapaligiran at pagmamahal sa ating mga kabarangay, sa pangunguna ng aming Grand Triskelion (GT) Arjay Abrique.
Ang simpleng pagkilos na ito ay bahagi rin ng aming pagpupugay sa nalalapit na ika-20 Anibersaryo ng Tagas Chapter dalawang dekada ng pagkakapatiran, pagkakaisa, at patuloy na paglilingkod.
💪 Sama-sama ang lakas.
🤝 Nagkakaisa ang kapatiran.
🌱 Para sa malinis at maayos na komunidad.
❤️ Para sa kapwa at para sa bayan.
TRISKELION ON THE MOVES!
One Brotherhood. One Unity. One Community.
TAU GAMMA PHI – TAGAS CHAPTER
Celebrating Two Decades of Brotherhood and Service. 🫡♻️