17/08/2025
Ang wika ang nagsisilbing tulay ng pag-unawa at pagkakabuklod ng sangkatauhan saan mang panig ng mundo. Bawat bansa, rehiyon, at pamayanan ay may natatanging wika na sumasalamin sa kanilang kasaysayan, kultura, at pagkakakilanlan. Sa ating mahal na Pilipinas, ang wikang Filipino ang nagsisilbing tagapagbuklod ng bawat mamamayang Pilipinoโisang sagisag ng ating pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba-iba ng katutubong wika.
Ngayong buwan ng Agosto, buong bansa ang nagdiriwang ng Buwan ng Wikaโang wikang minahal, pinangalagaan, at ipinaglaban ng ating mga bayani, lalo na ni G*t Jose Rizal. Bilang pagpupugay sa wikang Filipino at sa mga katutubong wika ng bansa, ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), sa pakikipag-ugnayan ng Samahan ng mga Mag-aaral ng Filipino (SAMAFIL) ng Jose Rizal Memorial State University, ay malugod na inaanyayahan ang lahat ng Ilustrado na dumalo at makibahagi sa isang makabuluhang programa sa darating na Agosto 29, 2025, mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon, sa New Covered Court.
Nakapaloob sa programang ito ang mga sumusunod na patimpalak:
- Balagtasan (3 partisipante)
- Dagliang Talumpati (1 partisipante)
- Doble Kara (1 partisipante)
- Singing Solo (1 partisipante)
- Isahang Pagbigkas ng Tula / Spoken Poetry (1 partisipante)
- Tagisan ng Talino (2 partisipante)
Ang lahat ng Ilustrado ay inaanyayahang lumahok bilang kinatawan ng kani-kanilang departamento. Ito ay isang pagkakataong maipamalas ang galing sa wika, talino, at sining ng pagbigkas.
Mga Kinakailangan sa Pagrehistro:
- Photocopy ng School I.D (back-to-back) โ isang long bond paper
- Photocopy ng Study Load (Student Copy)
Kitakits, Ilustrados!