Dagupan City People's Astrodome

Dagupan City People's Astrodome Welcome to the
Official FB Page of the
Dagupan City
People's Astrodome

Kapit lang, maya maya lang lalabas na rin si Uwan!
09/11/2025

Kapit lang, maya maya lang lalabas na rin si Uwan!

Your Dagupan City People's Astrodome is always ready!Pre-emptive evacuation!
08/11/2025

Your Dagupan City People's Astrodome is always ready!

Pre-emptive evacuation!

Your Dagupan City People's Astrodome at the moment!
07/10/2025

Your Dagupan City People's Astrodome at the moment!

Ang inyong Dagupan City People's Astrodome ay malugod po kayong tinatanggap... naway kasihan tayong lahat ng Diyos at pa...
24/09/2025

Ang inyong Dagupan City People's Astrodome ay malugod po kayong tinatanggap... naway kasihan tayong lahat ng Diyos at panatilihing ligtas...

Asinan.... iburo...
29/07/2025

Asinan.... iburo...

UTAK TALANGKA, 'SUSPENDED'! 🫣

Sa gitna ng matinding delubyo sa siyudad ng Dagupan, ay may dalawang uri ng tao ang umangat:

Una, ang mga tunay na bayani—ang mga volunteers na walang pangalan, walang kamera, walang press release. Mga estudyanteng nagbitbit ng kahon ng relief. Mga tricycle drivers na ginamit ang sariling sasakyan para ilikas ang kapitbahay. Mga barangay tanod na hindi natulog para lang masigurong ligtas ang mga kababayan.

At pangalawa, ang mga hindi makamove-on sa sarili nilang galit at pagkamuhi—araw-araw, walang palya, nagpo-post ng litrato ng baha, hindi para tumulong. Hindi para magmulat. Kundi para manghiya, manira, at tawanan ang kahirapang dinaranas natin sa gitna ng kalamidad.

Tanong lang—bakit sa dinami-rami ng oras na ginugugol nilang mag-edit ng litrato at caption, wala ni isang segundo ang naitulong n’yong bitbitin ang sako ng bigas? Bakit imbes na purihin at pasalamatan ang mga volunteers na tunay na gumagawa, pinipili n’yong sirain ang moral ng mga tao na nagsisikap?

Wala sa matinong kaisipan ang pagsusuot ng ‘sarcasm’ habang ang lungsod ay lumulubog sa baha. Wala sa matinong damdamin ang araw-araw na pagbato ng paninisi, habang may mga kababayan tayong walang masilungan, walang pagkain, at walang boses—maliban sa mga nagsisilbi para sa kanila.

Kung may natitirang konsensya, ISUSPINDE MUNA ANG "UTAK TALANGKA". Baka naman puwedeng itigil muna ang pamumuna, at subukang tularan ang mas nakararaming Dagupeño na hindi nagtago sa dilim—kundi sumuong sa baha, sumalo ng problema, at tumulong.

Ang tunay na matapang, hindi nagtatago sa likod ng facebook account. Ang tunay na may malasakit, hindi ang bunganga ang malakas—kundi ang loob, ang likod, at ang puso.

Ang lungsod ay sugatan. Hindi ito entablado ng inyong paninira. Hindi ito pader para sa panlalait. At kung ayaw n’yong tumulong, lumugar man lang sana kayo.

Kaya kung ang ambag mo lang sa bayan ay litrato at panlait, huwag kang magmalinis.

Sinisikap naming iligtas ang Dagupan, subalit ikaw ang pinakamabigat na dalahin.

P.S. Pasend naman kay IOD🤭

Salamat po.... paparapapa.....
29/07/2025

Salamat po.... paparapapa.....

29/07/2025

Your Dagupan City People's Astrodome is always ready in the service of the Dagupeños!

Sa ganitong sitwasyon, ang sagabal ang nagpapabagal ng paghatid ng tulong sa ating mga nahihirapang kababayan! Gawa ang ...
29/07/2025

Sa ganitong sitwasyon, ang sagabal ang nagpapabagal ng paghatid ng tulong sa ating mga nahihirapang kababayan! Gawa ang kailangan hindi dada!

Walang sawang paglilingkod!
29/07/2025

Walang sawang paglilingkod!

Address

Tapuac District
Dagupan City
2400

Telephone

+639917576090

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Dagupan City People's Astrodome posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Dagupan City People's Astrodome:

Share