09/04/2026
Isang karangalan para sa amin, mga Girl Scouts ng Pilipinas, ang makibahagi sa pagdiriwang ng Ika-84 na Araw ng Kagitingan. Sa ilalim ng temang "Giting ng Bayan, Pamana sa Salinlahi," aming binibigyang-pugay ang mga beteranong nagbuwis ng buhay para sa ating kalayaan. πΈπ΅π
Bilang mga kabataang lingkod-bayan, bitbit namin ang aral ng inyong katapangan. Ang inyong sakripisyo ang nagsisilbing inspirasyon namin upang maging laging handa sa paglilingkod sa Diyos, sa bayan, at sa kapwa. π«‘