Spoken Word Poetry Camarines Norte

Spoken Word Poetry Camarines Norte Ang HURMAHAN ay isang cylindrical tin mold na ginagamit sa paghulma ng slabs para sa paggawa ng mga sinaunang tapayan sa kasaysayan ng Bikol. May masaya.

Ang HURMAHAN ay isang grupo ng mga makatang nagmula sa iba't ibang bayan ng Camarines Norte, na HINUGIS ng mga letra, salita, kataga, talata, at nagkakita-kita upang magkaisa sa at ipalaganap ang sining na kanilang sinisinta - ang PAGTUTULA. Ito ay isang salitang bikolnon na nagsasalarawan ng gamit nito bilang isang instrumento sa kumplikadong proseso ng paghuhugis ng mga tapayan. Ito ang nagsisil

bing INSTRUMENTO nila sa pagpapahayag ng kanilang mga damdamin, opinyon, pagtingin at paniniwala sa iba't ibang aspeto ng buhay katulad ng pag-ibig, politika, sekswalidad, mga problema ng lipunan at iba pang isyu ng bayan. Nabuo ang grupong ito Noong Marso 2016 kasabay ng pagtitipon ng iba't ibang kabataang makasining, ang Young Artists Guild of Camarines Norte, sa Kuyakoy Art Cafe, na nagsilbi na ring pamilya, bahay at entablado para sa kanila

May depressed. May pangit. May maganda. May pogi. May kwela. Sila ang mga putik, lupa at tubig na syang nagbigay hugis sa isang tapayan na pinaglalagyan ng mga kaisipan at kaalamang dapat ibahagi sa mga mamamayan. Pinapatunayan nila na hindi hadlang ang pagkakaiba-iba para magkaisa at ibahagi ang sarili nila sa iba. Nais nilang buhayin ang mga natutulog na diwa ng mga kabataang kinain na ng sistema at nalulong na sa droga ng lipunan na tinatawag na kamunduhan, sa pamamagitan ng mga akdang kanilang ginagawa na mula sa kaibuturan ng kanilang mga puso at kaisipan. Walang mali. Walang tama. Andito lang sila para sa sa dalawang bagay -ang hulmahin ang mga sarili nila at magsilbing hulmahan para sa iba.

Address

Daet
4606

Opening Hours

2pm - 10pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Spoken Word Poetry Camarines Norte posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Spoken Word Poetry Camarines Norte:

Share