26/12/2025
PASKONG HANDOG | In-Kind Donation Drive ๐
Ang tunay na diwa ng Pasko ay ang pagbabahagi. Ngayong ika-26 ng Disyembre, sa pangunguna ng Union of Supreme Student Government, katuwang ang CNSC Office of the President, Office of Student Services and Development (OSSD), at ang mga Student Government ng bawat kolehiyo at departamento, ay matagumpay na naisakatuparan ang Paskong Handogโisang In-Kind Donation Drive na naglalayong maipadama ang malasakit at kabutihang-loob ng bawat isa, upang higit pang mapalaganap ang diwa ng pagbabahagi ngayong Pasko.
Pormal na tinanggap sa LGU Vinzons Municipal Hall ang mga donasyong ito na ipamamahagi sa mga identified beneficiaries sa Calaguas Islands. Ang mga donasyon ay tinanggap ni ๐ ๐. ๐๐ฒ๐น๐ ๐. ๐๐ฎ๐ฟ๐ฑ๐ผ๐ป, Local Youth Development Officer, sa presensya nina ๐๐ก๐ฆ๐ ๐ฃ๐ฟ๐ฒ๐๐ถ๐ฑ๐ฒ๐ป๐ ๐๐๐๐. ๐ฅ๐๐ฎ๐ป ๐. ๐๐๐๐ฒ๐๐ฒ๐, ๐๐ฃ๐, at ๐ ๐. ๐ฅ๐ต๐ผ๐ฑ๐ฎ๐๐ถ๐ ๐ฉ. ๐๐๐ถ๐น๐ฎ, ๐ ๐๐, Director, OSSD. Ang inisyatibang ito ay malinaw na patunay na sa sama-samang pagkilos at bukal sa loob na pakikiisa ng mga mag-aaral, student organizations, kawani, at iba pang kasapi ng komunidad ng CNSC, higit na napagtitibay ang diwa ng malasakit at paglilingkod sa kapwa.
Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nagbigay at nakibahagi, sapagkat sa pamamagitan ng kolektibong pagsisikap, naihatid natin ang pag-asa at kagalakan sa mga pamayanang higit na nangangailangan ngayong Kapaskuhan.