19/10/2026
PARA SA LIGTAS AT BULLY-FREE NA PAARALAN | Ordinance Approved
Naipasa na po natin noong nakaraang regular session kasama ang buong 20th council, ang ating isinulong na ordinansang Establishing the Municipal Anti-Bullying Support Program in Daet na magtataguyod ng isang programa upang maiwasan ang bullying at pagpapatatag sa paggalang sa kapwa. Nais po nating masig**o ang ligtas at maayos na kapaligiran para sa bawat mag-aaral.
Layunin po nito na palawakin ang kaalaman ng lahat patungkol sa bullying, palakasin ang suporta at paggabay sa mga mag-aaral at hikayatin ang pagtutulungan ng lokal na pamahalaan, iba't-ibang ahensya ng gobyerno, mga paaralan, magulang at ang ating komunidad. Naniniwala po tayo na ang bawat bata ay may karapatang matuto nang walang takot sa pang-aapi o diskriminasyon sa loob at labas ng kanyang paaralan. โค๏ธ๐ซ