27/04/2026
Konting paalala!
Paalala lang sa lahat ng kapatid naming mountaineer sa loob at labas ng Camarines Norte, sana po ay maiwasan natin ang pagsandal, pag-akyat, o anumang aktibidad na maaaring magdulot ng pinsala sa mga signages sa mga bundok dito sa probinsya. Hindi po biro ang pagod at gastos sa pagpapanatili ng maayos na kondisyon ng mga ito.
Kung matatandaan ninyo, noong nakaraang ika-22 ng Abril ay isinagawa ang pag-aayos ng signage na ito dahil nai-report na ito ay umuuga na. Nitong nakaraang linggo naman, may muling nakitang nakasampa rito na maaaring magdulot ng panibagong pagkasira nito.
Posting this not to spread hate but to post awareness.