30/09/2026
COMELEC CHAIRMAN GEORGE GARCIA: Handa ang Commission on Elections (Comelec) na sumunod sa anumang magiging desisyon ng Korte Suprema kaugnay ng pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Nakatakda sanang idaos ang BSKE sa Nobyembre 2026, ngunit sa ilalim ng Republic Act No. 12326, inilipat ang halalan sa Nobyembre 2028.
Samantala, hinamon sa Korte Suprema ang naturang batas, kung saan hiniling ang pagpapatigil sa pagpapatupad nito. Inatasan na rin ng SC ang Malacañang, Kongreso at Comelec na magsumite ng kanilang komento sa petisyon.
Ayon kay Garcia, susundin ng Comelec ang magiging utos ng Korte Suprema kung may pagbabago sa kasalukuyang sitwasyon.
Photo: Inquirer.net