26/04/2026
Ang Bicol Best Movement Riders Club (BBMRC) ay buong pusong nakiisa sa Ride for a Cause (RFAC) na inorganisa ng X4 Force Mix Riders, katuwang ang Familia Loyalista at ang United Rider’s of Camarines Norte (URCNA).
Isang makabuluhang araw ng pagkakaisa at pagtulong para sa ating mga benepisyaryo:
• Dennis Bueno Sambas (36) mula Brgy. Maisog – patuloy na lumalaban sa Acute Pyelonephritis at Diabetes Mellitus Type II with Neuropathy.
• Reynaldo Maigue Alvarez (52) mula Brgy. Mampurog – may kondisyon na Cholecystolithiasis, Nephrolithiasis (Right), at Bilateral Renal Cyst
📍 Barangay Maisog Covered Court, San Lorenzo Ruiz, Camarines Norte
🗓️ April 26, 2026
Kasama ang iba’t ibang riders group ng Camarines Norte, ipinakita natin na higit pa sa biyahe ang pagiging rider—ito ay may puso, malasakit, at pagkakaisa.
Sama-sama sa kalsada, sama-sama sa pagtulong. 🏍️💙