04/03/2026
SOROTRANCO, MAY MODERN VANS NA BIYAHENG DAET-STA. ELENA!
Good news para sa mga commuters ng Camarines Norte! Level up na ang biyahe natin dahil ang SOROTRANCO na ang kauna-unahang UV Express sa lalawigan na gumagamit ng mga modernized van units.
Dati, kung pupunta ka ng Sta. Elena galing Daet o pabalik, kundi ka magtitiyaga sa jeep na matagal ang hintayan, kailangan mo pang makipag-unahan sa mga bus na biyaheng Maynila. Pero ngayon, tapos na ang siksikan dahil may sarili na tayong diretsong biyahe na aircon at siguradong komportable ang upo mo.
Malaking tulong ito sa ating probinsya dahil mas mapapabilis na ang travel time ng mga estudyante, g**o, at mga manggagawa na araw-araw bumabiyahe sa rutang ito. Dahil ang Sta. Elena ang nagsisilbing "pintuan" ng CamNorte mula sa Manila at Quezon, mas gaganahan din ang mga turista at negosyante na bumisita sa atin dahil maayos at moderno na ang ating transportasyon.
Bukod sa ginhawa, mas ligtas din ang biyahe dahil ang mga units ay bago at sumusunod sa modern standards. Ito ay patunay na patuloy na umuunlad ang serbisyo para sa bawat CamNorteño.