Daet Daily Balita

Daet Daily Balita Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Daet Daily Balita, Daet.

15/09/2026

LIVE: Impeachment Trial of Vice-President Sara Z. Duterte at the Senate of the Philippines

August 15, 2026

23/05/2026

TINGNAN: Opening day ng Kaogmahan Mayor’s Cup 2026, kasalukuyang idinadaos sa Munisipyo ng Bayan ng Daet.

Batang M.D, makakalaba ang Daet Enteega Express sa opening game.

18/05/2026

TINGNAN: Kasalukuyang sitwasyon sa Munisipyo ng Daet dahil sa last day ng COMELEC voter’s registration.

Ngayong May 18 ang huling araw ng pagpaparehistro para sa National, Local, at Barangay elections.

PROUD CAMNORTEÑO! Mula sa CNSC tungo sa pagiging National Topnotcher!Hindi matatawaran ang husay at dedikasyon ni Allana...
12/05/2026

PROUD CAMNORTEÑO! Mula sa CNSC tungo sa pagiging National Topnotcher!

Hindi matatawaran ang husay at dedikasyon ni Allana G. Abordo matapos niyang makamit ang ikalawang pwesto (Rank 2) sa March 2026 Licensure Examination for Professional Teachers.

Sa gitna ng libu-libong kumuha ng pagsusulit sa buong Pilipinas, muling iwinagayway ang bandera ng Camarines Norte State College dahil sa tagumpay na ito. Isang patunay na ang edukasyon sa ating lalawigan ay world-class at de-kalidad!

Congratulations, Teacher Allana! Saludo ang buong lalawigan sa iyong nakamit!

12/05/2026

HINAMON PERO UMATRAS? | TRILLANES, SINAMAHAN ANG NBI SA PAGSERBE NG WARRANT KAY BATO DELA ROSA

Nauwi sa girian ang pagtatangka ng NBI na isilbi ang warrant of arrest laban kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa kahapon. Matatandaang mismong si Dela Rosa ang naghamon kay dating Senador Antonio Trillanes IV na sumama sa pag-aresto sa kaniya kaugnay ng imbestigasyon ng ICC.

Gayunpaman, tila nagbago ang ihip ng hangin nang personal na sumipot si Trillanes kasama ang mga awtoridad. Sa halip na harapin, tumakbo umano ang senador at agad na naghain ng mosyon upang paalisin sa lugar ang grupo ni Trillanes at ang NBI.

Ayon kay Trillanes, naroon lamang siya upang pagbigyan ang naunang hiling ni Dela Rosa.

Ano ang opinyon niyo sa naging aksyon ng senador? I-comment sa ibaba.

BREAKING: Alan Peter Cayetano, bagong Senate President!MATAPOS ang isinagawang botohan sa plenaryo ngayong Lunes, Mayo 1...
11/05/2026

BREAKING: Alan Peter Cayetano, bagong Senate President!

MATAPOS ang isinagawang botohan sa plenaryo ngayong Lunes, Mayo 11, pormal nang inihalal si Senator Alan Peter Cayetano bilang bagong lider ng Mataas na Kapulungan.

Hinalal ng mayorya ng mga senador si Cayetano kapalit ni Sotto, sa gitna ng mga pagbabago sa liderato ng Senado sa pagpasok ng bagong session. Sa kanyang acceptance speech, nangako ang bagong Senate President na tututukan ang mabilis na pagpasa ng mga panukalang batas na direktang makatutulong sa mga Pilipino.

Naglabas din ng samut-saring reaksyon ang oposisyon, na ito umano ang paraan nila upang mapatay ang impeachment.

"BILANG DAETEÑO, PABOR KA BA SA IMPEACHMENT NI VP SARA?"Kamakailan lamang, may viral na post na diumano, ang Camarines N...
09/05/2026

"BILANG DAETEÑO, PABOR KA BA SA IMPEACHMENT NI VP SARA?"

Kamakailan lamang, may viral na post na diumano, ang Camarines Norte ay kontra sa impeachment ni VP Sara Duterte.

Ngayon, bilang taga-Daet, pabor ka ba sa kaniyang impeachment?

22/04/2026

JUST IN: BIGLAANG PAGDATING NG USOK SA BANDANG MABINI SA DAET.

MULA KAYA ITO SA NASUSUNOG NA BIBIRAO DUMP SITE?

"PABOR KA BA SA PAGKAKANSELA NG BANTAYOG FESTIVAL?"Ipinahayag ng Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte ang pansama...
19/03/2026

"PABOR KA BA SA PAGKAKANSELA NG BANTAYOG FESTIVAL?"

Ipinahayag ng Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte ang pansamantalang pagkansela ng Bantayog Festival ngayong taon upang ilaan ang pondo sa iba pang mahahalagang pangangailangan.

16/03/2026

Pila sa Petron Daet Centro, patuloy na humahaba!

Patuloy na dinudumog ng mga motorista ang Petron Daet Centro ngayong gabi, Marso 16, 2026, matapos ianunsyo ang dambuhalang oil price hike na papatak bukas.

​Dahil sa taas-presyong aabot sa halos ₱13.00 sa gasolina at mahigit ₱20.00 sa diesel, hindi na magkamayaw ang mga tricycle driver, delivery riders, at private vehicle owners na makapag-karga bago ang midnight deadline.

​Ang matinding pagtaas na ito ay bunsod ng tensyon sa Middle East na nagtulak sa world oil prices sa kanilang record high. Inaasahang magpapatuloy ang dagsa ng mga sasakyan hanggang mamayang madaling-araw.

Address

Daet
4600

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Daet Daily Balita posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share