10/05/2025
HULING HIRIT PARA KAY KIKO AT SA #6 ML PARTYLIST! 🌸
Bukas na ang huling araw ng kampanya—FINAL PUSH NA ITO! 💥 Lahat ng lakas, sigaw, at suporta ibuhos na natin para kay Kiko at sa ML Partylist! Sabay-sabay tayong bumaba sa kalsada, mag-house-to-house, ikalat ang natitirang flyers, pamaypay, sample ballot, at bitbitin ang sariling gawang poster na may mensaheng: "Bawat boto para sa ML, mahalaga," umikot sa palengke, terminal, kanto ng barangay, at magpapicture kasama tropa o pamilya.
Huwag tayong pahuhuli sa ingay! I-post, i-share, i-tag lahat ng kakilala, sabay-sabay tayong magpa-NOISE BARRAGE, patugtugin ang ML jingle, mag-rekorida, at hikayatin ang mga motorista na bumusina para sa pagbabago!
Sama-sama, solid, at palaban hanggang dulo! Huling sabak, huling bugso, huling hirit para itodo ang suporta kay Kiko at sa ML Partylist!
TATLONG TULOG NALANG! IPANALO NA NATIN TO! 🤩✊