Sangguniang Kabataan Cuenca

Directions

Sangguniang Kabataan Cuenca Official page of Sangguniang Kabataan Federation - Municipality of Cuenca

09/10/2026

Be a lifesaver in your community! 🚨❤️‍🔥

Knowing how to perform CPR can mean the difference between life and death in an emergency. Don’t miss the chance to learn this essential, life-saving skill and gain the confidence to act when it matters most.

📍 Where: Dita Covered Court
📅 When: October 10, 2026
⏰ Time: 1:00 PM to 4:00 PM
📝 Register here: bit.ly/CuencaCPRCaravan

This event is open to everyone—bring your family, friends, and neighbors! Let’s learn together, prepare together, and build a safer community. See you there! 🤝✨

28/09/2026
25/09/2026

SK CUENCA VS SK LAUREL

25/09/2026

SK Cuenca vs SK Talisay

📍 HAPPENING NOW | YOUTH VOLUNTEERS FORMATION COURSE ❤️🤝Isang makabuluhang araw ng pagkatuto, pagsasanay, at paglilingkod...
19/09/2026

📍 HAPPENING NOW | YOUTH VOLUNTEERS FORMATION COURSE ❤️🤝

Isang makabuluhang araw ng pagkatuto, pagsasanay, at paglilingkod para sa kabataan!

Kasalukuyang isinasagawa ang Youth Volunteers Formation Course, isang inisyatiba ng SK Federation of Cuenca, sa pangunguna ni SK Federation President Kate Denille Manaig, katuwang ang Philippine Red Cross – Batangas Chapter at ang Local Youth Development Office, sa pangunguna ni Sir Darwin Agravante.

Layunin ng gawaing ito na hubugin ang mga kabataan bilang handa, responsable, at aktibong volunteers na may malasakit sa kapwa at komunidad. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, patuloy nating binibigyan ng pagkakataon ang kabataan na matuto, mamuno, at higit sa lahat—maglingkod. 💪❤️

Kabataan ngayon, boluntaryong handang tumulong at maglingkod para sa komunidad! 🇵🇭








18/09/2026

KABATAAN AWARDS 2026 & CAPACITY-BUILDING SEMINAR
HIGHLIGHTS

“Kabataang Naglilingkod, Kabataang Nagliliyab: Pagpupugay sa Tatag, Talento at Tunay na Serbisyo”

Ilang piling sandali mula sa Kabataan Awards 2026 at Capacity-Building Seminar on the Proper Inventory and Turnover of Barangay and Sangguniang Kabataan Assets and Financial Accountabilities, na pinangunahan ng SK Federation of Cuenca sa pangunguna ni SK Federation President Kate Denille Manaig, katuwang ang Local Youth Development Office sa pamumuno ni Sir Darwin L. Agravante.

Taos-pusong pasasalamat sa ating minamahal na Punong Bayan, Hon. Mayor Alexander Magpantay, sa Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Hon. Vice Mayor Aurea Pantas, sa ating mga tagapagsalita, at sa lahat ng SK officials na nakiisa sa makabuluhang gawaing ito.

Maraming salamat, Dishots, sa mahusay na pagkuha ng mga natatanging sandaling ito. 🎥

Mabuhay ang Kabataang Cuenqueño!
Mabuhay ang SK Cuenca!
Mabuhay ang Bayan ng Cuenca! 💙

❤️‍🔥 CUENCA, LET’S START SOMETHING MEANINGFUL.Kabataang Cuenqueño, baka ito na ang simula ng pagiging volunteer mo. ❤️Bu...
14/09/2026

❤️‍🔥 CUENCA, LET’S START SOMETHING MEANINGFUL.

Kabataang Cuenqueño, baka ito na ang simula ng pagiging volunteer mo. ❤️

Bukas ang pagkakataon para sa mga kabataang willing matuto, tumulong, makiisa, at maglingkod na maging bahagi ng 2-Day Youth Volunteer Formation Course—isang training na magsisilbing unang hakbang para makabuo ng mas aktibong youth volunteer movement sa ating bayan.

Sa pangunguna ng Sangguniang Kabataan Municipal Federation, Local Youth Development Office, at Philippine Red Cross, pag-aaralan natin ang humanitarian values, volunteerism, teamwork, Red Cross services, at iba pang kaalaman na maaari nating dalhin sa tunay na paglilingkod sa ating kapwa.

✨ At higit sa lahat, wala na kayong kailangang bayaran para makasali.
Sagot na ng SK Municipal Federation ang MAAB Card para sa mga participant.

✨ Hindi lang ito tungkol sa dalawang araw na training.
Ito ay tungkol sa pagbuo ng isang grupo ng mga kabataang handa, may malasakit, at handang tumugon kapag kinakailangan.

Kung ikaw ay kabataang may puso para sa serbisyo at willingness na tumulong, we’re inviting you to be part of this beginning.

Sama-sama nating simulan ang pagbuo ng mas handang, mas aktibo, at mas makataong kabataan sa Cuenca. 🇵🇭❤️

📣 Calling all interested youth volunteers!
Join us. Learn with us. Volunteer with us.
Cuenca, this is where it starts. ❤️‍🔥

14/09/2026

📣 CALLING ALL YOUNG VOLUNTEERS! ❤️

Ready to make a difference and serve your community? Join us for the YOUTH VOLUNTEER FORMATION COURSE, a collaborative initiative of the Sangguniang Kabataan Municipal Federation, Local Youth Development Office (LYDO), and Philippine Red Cross!

📅 September 19–20, 2026
📍 Multi-Purpose Hall, Poblacion 5, Cuenca, Batangas

This formation course aims to equip young people with knowledge, skills, and values essential for meaningful volunteer service, leadership, and active community involvement. 🤝

📋 REQUIREMENTS:

✅ Willingness to render Volunteer Service
✅ Physically, Mentally, and Emotionally Fit
✅ Medical Certificate from School Nurse or designated Barangay Health Center

📝 REGISTER NOW!

🔗 Registration Form:

https://docs.google.com/forms/d/1lVR20Cce-JCkIEPbNTrDrmPkUqh7GOeWnS7CWsD_UGc/edit

⏰ Deadline of Registration: September 16, 2026

🌟 Be a Volunteer. Be the Change.

Your time, skills, and willingness to serve can create a stronger, safer, and more caring community. ❤️🤝

📩 For inquiries, please coordinate with the Local Youth Development Office.







🎓 Congratulations, Little Youth Officials Batch 2026! 🤍🇵🇭Isang makabuluhang pagtatapos para sa ating mga batang lider na...
10/09/2026

🎓 Congratulations, Little Youth Officials Batch 2026! 🤍🇵🇭

Isang makabuluhang pagtatapos para sa ating mga batang lider na buong husay na nakibahagi sa programa. Ang bawat isa ay tumanggap ng Certificate of Participation bilang pagkilala sa kanilang aktibong pakikilahok, effort, at mga bagong kaalamang natutunan.

Nawa’y dalhin ninyo ang mga aral at karanasang ito sa inyong paglaki. Tandaan ninyo na may boses kayo, may kakayahan kayo, at kaya ninyong maging mabuting lider. Keep learning, keep leading, and keep serving with heart. ✨

Taos-pusong pasasalamat sa aming minamahal na Punong Bayan, Mayor Alexander M. Magpantay, sa kanyang patuloy na suporta at malasakit para sa ating mga kabataan; kay Vice Mayor Aurea Pantas at sa buong Sangguniang Bayan sa kanilang pakikiisa at suporta.

Maraming salamat din sa Local Youth Development Office, sa pangunguna ni LYDO Sir Darwin L. Agravante, sa paggabay at pagbibigay ng makabuluhang karanasan sa ating Little Youth Officials.

At higit sa lahat, salamat sa SK Federation, sa pangunguna ni SK Federation President Kate Denille Manaig, sa pagsasakatuparan ng programang nagbigay sa ating mga kabataan ng pagkakataong matuto, mamuno, at maranasan ang tunay na diwa ng paglilingkod. 🤍

Congratulations, Little Youth Officials Batch 2026! We are so proud of you! 🎓🇵🇭

Isinagawa ng Little Youth Officials Batch 2026 ang isang Mock Session, kung saan kanilang isinabuhay at natutunan kung p...
10/09/2026

Isinagawa ng Little Youth Officials Batch 2026 ang isang Mock Session, kung saan kanilang isinabuhay at natutunan kung paano isinasagawa ang isang regular na sesyon ng mga lingkod-bayan sa Bayan ng Cuenca. 🇵🇭🤍

Sa pangunguna ni SK Federation President Kate Denille Manaig, at sa paggabay ni SB Secretary Darius Mauleon, naging bahagi rin ng makabuluhang aktibidad sina Municipal Administrator Sir Nick Palma, Vice Mayor Aurea Pantas, Konsehal Arwin Abe, at Konsehal Ian Gorospe, na nagbahagi ng kanilang kaalaman at karanasan sa ating mga batang lider.

Higit pa sa isang mock session, naging pagkakataon ito para sa ating mga kabataan na matutong makinig, magsalita, makilahok, at higit sa lahat, maunawaan ang tunay na kahulugan ng pamumuno at paglilingkod sa kapwa.

Sa murang edad, naipakita na ninyo na kayo ay may kakayahan, may boses, at may malaking potensyal na maging mabuting lider ng ating bayan.

Keep learning, keep leading, and keep serving with heart. 🤍🇵🇭

Address

Cuenca
4222

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan Cuenca posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share