26/10/2024
Magandang araw , sa mga gusto po na mag bigay ng mga relief goods katulad ng mga nabanggit ay maari po kayong pumunta sa Cuenca Institute sa Lunes October 28, 2024 pamula 7:00am hanggang 3:00pm ๐ฉท
Mga kailangan:
-Bigas
-Mga delata at instant na pagkain
-Inuming tubig
-Damit, kumot, at banig
-Hygiene kits (sabon, toothpaste, toothbrush, sanitary napkin, atbp.)
-Vitamins at first aid supplies
CUENCA INSTITUTE DONATION DRIVE
Ang Cuenca Institute ay tumatanggap ng CASH DONATIONS para sa ating mga kababayang nasalanta ng bagyong Kristine. Sa inyong tulong, mas mapapabilis natin ang pagbibigay ng direktang suporta at pangunahing pangangailangan sa mga apektadong pamilya.
Mas Pinipiling Donasyon: CASH (upang agarang makabili ng mga kinakailangang suplay)
In-kind donation ay patuloy pa ring tatanggapin.
Drop-off Point: Cuenca Institute Library
Petsa: Lunes, Oktubre 28
Oras: 7:00 am hanggang 3:00 pm
Ang inyong donasyon, gaano man kaliit o kalaki, ay makakatulong sa pagbuo ng mga pangangailangang solusyon para sa ating mga kababayan. Sama-sama nating ipadama ang malasakit at pag-asa sa kanila! ๐
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan lamang sa aming tanggapan o sa opisyal na pahina ng CI. Maraming salamat sa inyong suporta! โค๏ธ