13/09/2026
๐๐๐ข ๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐ข๐ก๐
Madalas nating marinig sa pagitan ng usapan ang katagang "๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐". Ang kahulugan nito ay madalas na pagsalubong sa mga salita o kuwentong para sa ibang tao ay hindi kapani-paniwala o gawa-gawa lamang.
Sa reyalidad ng mundo, sino nga ba ang pagong? Saan sila makikita para mai-kuwento natin ang mga damdamin at karanasang mahirap ibahagi sa iba dahil tila para sa kanila ay isang kathang-isip lamang.
Pero bakit sa pagong kailangang magkuwento? Hindi pa kaya pagod ang pagong sa mga kuwentong sinisiwalat sa kaniya? ๐๐ข๐ถ๐ฎ๐ข๐ฏ๐ฉ๐ช๐ฏ. Mukhang sa ikalawang tanong na ito ay wari'y aking mga mata ay hindi mulat, lalo pa't oo nga pala, sa wala ng pakiramdam nagkukuwento ang karamihan sa bilang ng tao sa kasalukuyang panahon. Sa AI at robot na pala.
Madali mang sabihing walang emosyon o hindi tunay na tao ang AI, subalit kung siya nama'y nariyan malapit sa'yo, handa kang pakinggan, at hindi ka huhusgahan sa ano mang iyong dinadala ay bakit ka pa hahanap ng totoong tao, hindi ba? Iyon nga ang dahilan, walang emosyon ang AI, kaya ka man niyang pakinggan datapuwa't hindi nito kayang iparamdam sa'yo ang tunay na malasakit, pagmamahal, at pag-unawa.
Gayunpaman, paano naman natin masisigurong sa tao tayo magkukuwento kung madalas sila ang huhusga at tutulak sa'yo sa bangin ng pagdurusa. Ito ang dahilan kung bakit pinipili na lamang ng karamihan na ibaon sa pagkalimot ang sakit na nag-aanyong karayom at patuloy na tumutusok sa isipan, subalit sa pisikal na katawan lumalabas ang mga malalalim na sugatโ amoy ay nanunuot sa ilong na kumikirot at nagdudulot ng pagkaparalisa, kaya sarili ay binansagang pabigat at walang nang halaga.
Ngunit, paano kung sabihin ko sa'yong maaari kang mag-kwento sa pagong? May pakiramdam ang pagong. May oras siyang manatili at makinig, hindi dahil mabagal siya kundi dahil hindi siya nagmamadali. At hindi mo kailangangang pumunta sa dagat o saan man para lamang makahanap ng isang nilalang na katulad ng pagong, sapagkat nasa loob ng ๐ท๐๐๐๐
๐๐๐๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ang pagong.
Subukan mong hanapin ang tahanan ng ๐๐ถ๐ช๐ฅ๐ข๐ฏ๐ค๐ฆ ๐ข๐ฏ๐ฅ ๐๐ฐ๐ถ๐ฏ๐ด๐ฆ๐ญ๐ช๐ฏ๐จ ๐๐ง๐ง๐ช๐ค๐ฆ, magtanong ka sa iba kung hindi mo batid kung saan ito banda, at kumatok ka lamang sa pinto nito kung nakarating ka na. Marami ang pagong na naninirahan sa loob nito, naghihintay na lumapit ka lamang at magbahagi ng mga pasaning hindi mo na kayang buhatin pang mag-isa.
Gaya ng AI, malapit lamang sila at nasa loob ng pamantasan, kaya ka nilang pakinggan, at hindi ka nila huhusgahan. Ang mga nilalang sa loob nito ay hindi kagaya ng anyong inaasahan mo sa pagong, dahil tao sila. Tao. Guidance Counselors. May puso, malasakit, at totoong pakialam sa mga taong kuba na ang likod sa matinding pinagdadaanang hindi kayang makita ng iba.
Kung bakit naging pagong sila ay dahil natatangi sila. Iniibig nila ang maglingkod sa pagitan ng pakikinig at pag-unawa sa kapwa. Kasama rin nila ang mga batang pagong, ang ๐๐ต๐ถ๐ฅ๐ฆ๐ฏ๐ต ๐๐ฆ๐ฆ๐ณ ๐๐ข๐ค๐ช๐ญ๐ช๐ต๐ข๐ต๐ฐ๐ณ๐ด. Ang mga pagong na maaari mong pagkuwentuhan ng lahat ng bagay kahit pa ito'y anyong mababaw para sa iba.
Ang mga pagong ay hindi tungkol sa mga mabagal na nilalang, kundi sa mga nilalang na natatangi at hindi nagmamadali na pakinggan ka at unawain nang walang panghuhusga. Ang pagong ay ang mga nilalang na kaya kang bigyan ng tahanang masisilungan tuwing ang mga luha ay handa nang bumuhos at magdulot ng sakuna sa kaibituran ng iyong puso't isipan.
Ang pagong hindi ka hahayaang mag-isa tuwing may kuwento kang nais mong pag-usapan kahit pa ito'y mababaw, mukhang impossible o OA sa pananaw ng iba, dahil ang pagong ay laging pipiliing makiramdam sa kalagayan ng iba. Ang pagong ay laging pipiliing maging mabuti sa kapwa.
At nawa'y sa araw-araw mong pamumuhay ay maintindihan mong hindi mo kailangangang maging Guidance Counselor o Student Peer Facilitator para lamang maging pagong sa kapwa. Dahil ang bawat nilalang ay mayroong kakayahang maging mabuti sa pakikinig sa iba maging sa pagpili ng mga salitang sasambitin kaysa "ikuwento mo sa pagong".
Simulan nating sambitin sa kanila ang "๐ช๐ฌ๐ถ๐ธ๐ฆ๐ฏ๐ต๐ฐ ๐ฎ๐ฐ ๐ด๐ข ๐ข๐ฌ๐ช๐ฏ ๐ฌ๐ถ๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ข๐ช๐ด ๐ฎ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐จ-๐ถ๐ด๐ข๐ฑ๐ข๐ฏ ๐ช๐ต๐ฐ, ๐ฅ๐ข๐ฉ๐ช๐ญ ๐ข๐ฌ๐ฐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐จ๐ฐ๐ฏ๐จ," basagin natin ang katahimikan at makinig sa kanila. Huwag tayong dumagdag sa kalupitan ng mundo sa kanila, bagkus maging lakas ka sa pagbangon at sa pagtingin nila na'ng buhay ay mahalaga lalo na sa umaga at may kasama.
๐จ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐!
๐๐ข๐ด๐ข๐จ๐ช๐ฏ ๐ฏ๐ข๐ต๐ช๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ต๐ข๐ฉ๐ช๐ฎ๐ช๐ฌ๐ข๐ฏ.
๐๐ช๐ฎ๐ถ๐ญ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ข๐ต๐ช๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ถ๐ด๐ข๐ฑ๐ข๐ฏ.
๐๐ข๐ฌ๐ช๐ฏ๐ช๐จ ๐ฏ๐ข๐ฏ๐จ ๐ธ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ๐ฉ๐ถ๐ฉ๐ถ๐ด๐จ๐ข.
๐๐ข๐จ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ฃ๐ถ๐ต๐ช ๐ด๐ข ๐ด๐ข๐ญ๐ช๐ต๐ข.
๐๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ข๐ข๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ถ๐ฉ๐ข๐บ ๐ฏ๐ข ๐ฎ๐ข๐ฉ๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ข.
๐๐ต ๐ฏ๐ข๐ธ๐ข'๐บ ๐ญ๐ข๐จ๐ช ๐ฎ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ต๐ข๐ฏ๐ฅ๐ข๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ข ๐ฉ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ฌ๐ข ๐ฏ๐ข๐จ-๐ช๐ช๐ด๐ข. ๐๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ฎ๐ฐ ๐ฌ๐ข๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐ด๐ข๐ฏ๐ช๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ญ๐ข๐ฉ๐ข๐ต ๐ฎ๐ข๐จ-๐ช๐ด๐ข.
๐ง๐๐ฅ๐ ๐ ๐๐๐๐จ๐ช๐๐ก๐ง๐ข ๐๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐๐ก!
โ๐ปNorhain U. Guiamalon
๐บ๐๐๐
๐๐๐ ๐ท๐๐๐ ๐ญ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
***dePreventionMonth