22/09/2026
๐ซ๐ด๐จ๐น๐ฐ๐บ๐ป๐จ ๐ช๐ฏ๐น๐ถ๐ต๐ฐ๐ช๐ณ๐ฌ๐บ: โ๐ต๐จ๐ฒ, ๐ฒ๐จ๐ฐ๐ต ๐ต๐จโ
๐ฐ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ณ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐, ๐ด๐๐๐๐๐๐๐! Narito na ang ikalawang akdang itatampok natin sa ating ๐ด๐๐๐๐๐๐ ๐ช๐๐๐๐๐๐๐๐๐ at ๐จ๐๐
๐๐-๐
๐๐๐๐.
๐ฉ๐. ๐ฑ๐ ๐ด๐๐๐๐, maraming salamat sa paglaan ng oras mo sa pagbubuo ng magandang kwento. Sana ay makagawa ka pa ng iba pang piyesa na nais mong ibahagi sa buong sambayanan.
โโโโโโโโโโโโโโโโโโ
โ๐ต๐๐, ๐๐๐๐ ๐๐
๐ต๐: ๐ฑ๐ ๐ด๐๐๐๐
โโโโโโโโโโโโโโโโโโ
๐จ๐๐ ๐๐ ๐จ๐๐๐๐๐, at sa bawat paglubog ng araw, pumapasok sa aking isipan ang sama ng loob, kalungkutan, at pagsisisi tungo sa aking ama.
Noon pa man, ramdam ko na ang pagmamahal ng aking ama, ngunit may mga pagkakataong nasasakal ako, may mga oras na kinokompara ko ang pagmamahal niya sa isang kadenang mahirap makawala.
Maliban sa nakakasakal na pagmamahal na ito, naisip ko noon pa man na tila ang mga pangyayari sa aking buhay ay paulit-ulitโito'y nakakainip, gusto kong makawala rito. Araw-araw, papasok ako sa eskwelahan, makikinig sa mga alituntunin, makikihalubilo, kakain, uuwi, at sa bahay, ang lagi kong naririnig ay ang mga sermon ng aking ama, lagi ko na lamang naririnig na napapagod rin siya, kaya't dapat ay matuto akong alamin ang mga responsibilidad ko, ngunit papasok at lalabas agad ang mga salita ng aking ama sa aking mga tenga, ang itinataktak ko sa aking isipan ay "bata pa naman ako, may karapatan naman akong maging maligaya at malaya." At sa bawat mga salitang kanyang binibigkas, matatapos ito sa pariralang "Kumain ka nalang muna," o "Nak, kain na."
Sa panahong 'yon ay sobrang naririndi ako dahil bakit nga ba paulit-ulit nalang ang pariralang 'yon? Kung ako ay nasa sarili kong silid, kakatok si ama at sisigaw na "Nak, kain na!" Habang nasa labas ako ng aming bahay, nakikipag-usap sa mga kaibigan, tatawagan niya ako para lamang sabihin na "Nak, umuwi ka na, nagluto ako, kain na." Paulit-ulit, istorbo, nakakarindi, kaya't isang araw ay humiling akong sana, huwag nang ulit-ulitin ng aking ama iyon.
Isang gabi, kahit pa na tinawagan ulit ako ni ama at hindi ko siya sinagot, pag-uwi, nakita ko na lamang siya sa aming hapag-kainan, nakasuot pa ng uniporme niyang pang-guwardiya, umuupo siya sa dilim, nakatulala. Kaya't lumapit ako sakanya at nagmano. Nginitian niya ako ngunit tila may nakita akong kuminang na kalungkutan sa kanyang mga mata, "Nak, kain ka." Napaisip ako, 'yan nanaman ang pariralang iyan, bumuo muli ang rindi sa aking kalooban, "Hindi na po, busog pa po ako," sagot ko.
"Ngunit-" hindi ko na hinintay ang sagot niya at nagpaalam nalang na pumasok sa kuwarto ko, medyo nabagsak ko ang aking pintuan dahil sa nabuong galit at inis sa aking damdamin, pagkatapos ng mga pinagdaanan ko sa eskwelahan, ang maririnig ko lang ay "kumain na ako," kayaโt kinulong ko nalang ang sarili sa silid at sinubukang pakalmahin ang sarili, hanggang sa napapikit ako. Sa pagdilat, natamaan ng liwanag ng araw na sumisilip sa aking munting bintana ang aking mga mata, lumabas ako upang masimulan ang araw ko.
Wala akong pasok. Pumunta ako sa hapag-kainan, iniisip na naghihintay si ama saakin upang ulitin ang tila kanyang paboritong parirala, ngunit ang nadatnan ko lamang ay ang malamig na simoy na dating ng umaga, wala si ama roon, nakita ko rin ang niluto niyang pagkain kagabi, hindi pa nagagalaw.
Lumipas ang illang oras, lumubog na ang araw, ngunit ang langit ay nagpapakita pa lamang ng partikular na kakaibang uri ng Asul nagpapahiwatig na hindi pa talaga buo ang gabi. Wala pa rin si ama, nabuo ang kaba at pag-aalala sa akin, saan na kaya siya? Sa paghihintay, biglang tumunog ang aking cellphone, tumatawag ang aking tiya, sinagot ko ito, "Amelia..." bungad niya saakin, "Ano po iyon, tiya?" Parang umiikot ang paligid ko habang iniisip ang aking ama, tila wala na akong pakielam sa sasabihin ng iba sa pag-iisip kay ama. "Amelia, ang ama mo." Tila bumagsak ang tiyan at puso ko dahil sa kaba. "Bakit po?" Nakarinig ako ng hikbi sa kabilang linya.
"Wala na siya," anong ibig sabihin ni tiya? Umiikot na ang aking paningin, nabibingi ang mga tenga, nanginginig ang buong katawan, "Ang ama mo, Amelia, nasagasaan kaninang tanghali," aniya. Tumayo ang mga balahibo sa buong katawan ko, parang nasasakal ako, parang binabagsakan ako ng milyon-milyong mabibigat na mga bagay. "Tiya, huwag po kayong magbiro ng ganyan," sagot ko ngunit ang boses ay tila boses ng isang taong nalulunod, humihingi ng tulong ngunit kahit ibabaw ng karagatan ay hindi maabot, "Pumunta ka na dito sa ospital, bilis!"
Dali-dali akong nagtungo sa ospital na sinabi ni tiya, kahit pa na tumitigas ang katawan ko, pinilit ko ang sarili. Sa pagdating sa silid na sinabi ng nars, ni hindi ko mahawakan kahit ang pintura ng pinto, โhindi ito totoo, gumising ka,โ sinubukan kong kurutin at sampalin ang sarili ngunit parang bakal ang katawan ko, walang sakit na nararamdaman. Pumasok ako, ang aking mga mata ay diretsong nakita ang isang higaang may puting telang nakataklob. "Hindi..." sa paglapit, hindi ko alam ang susunod na gagawin, hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Pagbukas ko sa tela, bumungad ang aking ama, ang aking kawawang ama, sobrang puti niya, wala ng natirang ni isang butil ng dugo sa buong katawan, "Ama!" humbikbi ako, para akong pinapapatay ng dahan-dahan, kulang ang salitang 'sakit' sa aking nadarama. Hindi puwede ito, bakit?..
Pinakalma ako ng aking tiya at iba pang mga miyembro ng pamilya dahil naging histerikal ako. "Ang sabi ng mga nakakita, nabangga raw ang ama mo bandang alas onse ng umaga, habang tumatawid ay may kotseng sobrang bilis ng takbo. Sabi pa nga nila ay may dala ang ama mo ng isang supot ng Jollibee." Hindi ko na alam, kung dati ay nakakadena ako sa pagmamahal ni ama, ngayon ay nakakulong ako sa sariling pagdurusa. "Amelia, nakita ko, nakita kong may hindi pangkaraniwang papel sa supot ng Jollibee kanina, ito, basahin mo at may nakasulat." Tumingin ako sa tiya at dahan-dahang kinuha ang papel. "Miss, kailangan po namin ng kooperasyon niyo para sa death certificate ng namatay." Ani ng isang trabahante sa ospital, tinignan ako ng aking tiya ngunit umiling lamang ako, hindi ko kayang makipag-ugnayan sa kahit sino para sa papel na magiging ebidensya ng trahedyang nangyari. "Sige, ako nalang muna ang mag-aayos nito," ani ni tiya.
Pag-alis niya, malungkot kong tinignan ang papel na binigay saakin kanina, at mas lalong nalunod sa mga nakasaad.
Anak,
Alam kong bumubuo sa'yo ang inis saakin, pasensya na dahil wala na akong mabibigay sa'yo sa ngayon kundi itong paborito mong kinakain, Jollibee. Sana mapatawad mo ako sa kung ano man ang nagawa ko na nag-resulta sa pagkakaroon mo ng sama ng loob, hindi ko kailan man nanaisin na may masamang koneksyon tayong dalawa, lalo't pa sandigan natin ang isa't isa. Sana pag-nabigay ko ito sa'yo, hindi ka na galit. Basta pangako, sa oras na may kita na ako, bibilihin ko sa'yo kahit pa ang kabuoan ng Pilipinas para lamang makita kitang ngumiti muli, peksman. Mahal na mahal kita, anak. At para maging masaya ka, kain ka, 'nak!
- Pinakaguwapo mong ama
At sa oras na iyon, labis ang aking pagsisisi. Mayroong isang bagay na kailanman ay hindi ko na maaabot, ang sabihin kay ama na sobrang mahal ko rin siya. Hindi ako nakapagbigay ng paumanhin, hindi ko man lang siya nayakap, hindi ko nasabi sakanya na mas paborito ko ang luto niya kaysa sa Jollibee. Sana ay magbago ang takbo ng oras, sana marinig ko ulit himig ng boses ni ama lalo na habang sinasabi niyang "Nak, kain na."
-----------------------------
๐บ๐ ๐๐๐๐๐ ng nais pang magbahagi ng kanilang akda na itatampok sa susunod na ๐ด๐๐๐๐๐๐ ๐ช๐๐๐๐๐๐๐๐๐, pakilapag lang po dito ng inyong obra. Maraming salamat po!
https://forms.gle/5xQJznSJEjMahEeq9