23/02/2026
Ma Shaa'Allah 🥰
Isang gintong payo para sa mga kababaihang tila naka-iʿtikāf sa kusina tuwing Ramadhan:
Huwag kang magluto ng kahit isang butil ng bigas, at huwag kang maghugas ng kahit isang kutsara, hangga’t hindi mo inaayos ang iyong niyyah (intensyon) at iniaalay ang gantimpala nito para sa Mukha ng Allah.
Napakapalad mo, dahil pinili ka ng Allah upang magkaroon ng gantimpala sa pagpapakain at pagtulong sa mga nag-aayuno. Kaya gawin mo ito nang may pagmamahal, hindi may pagkainis. Huwag mong hayaang tumigil ang metro ng iyong mga hasanāt (gantimpala).
Kay sarap ng pagkain kapag ito’y naluto kasabay ng pag-alaala sa Allah.
ويُروى من أخبار بعض الصالحين أن رابعة زوجة الإمام أحمد بن أبي الحواري ، كانت إذا طبخت قدرًا قالت :
" كُلْ يا سيدي ، فما نضجت إلا بالتسبيح ."
ويُحكى أن حفيد الشيخ المقرئ أبي الحسن الكردي الدمشقي رحمه الله سأل جدته :
كم يحتاج الأرز بالحليب من الوقت كي ينضج ؟
فقالت : يحتاج ألف " لا إله إلا الله ".
Isinasalaysay tungkol sa ilang mga salihin na si Rābiʿah asawa ni Imām Aḥmad ibn Abī al-Ḥawārī kapag siya’y nagluluto ng isang palayok ay sinasabi niya:
“Kumain ka, aking mahal, sapagkat ito’y naluto lamang sa pamamagitan ng tasbīḥ.”
At isinasalaysay rin na ang apo ni Shaykh al-Muqri’ Abī al-Ḥasan al-Kurdī ad-Dimashqī رحمه الله ay nagtanong sa kanyang lola:
“Gaano katagal bago maluto ang arroz con leche?”
Sumagot ang lola:
“Kailangan ito ng isang libong ‘Lā ilāha illā Allāh.’”
Kaya ang mga salaf, kapag sila’y nagluluto, binubuhay nila ang kusina sa tasbīḥ at tahlīl.
Hindi man literal na “isang libong Lā ilāha illā Allāh” ang sukat ng pagluluto
ngunit malinaw ang mensahe:
Ang oras ng pagluluto ay maaaring maging oras ng pag-alala sa Allah.
Kaya kapatid…
Habang hinihiwa mo ang gulay
mag-subḥānallāh ka.
Habang naghihintay kang kumulo ang sabaw
mag-istighfār ka.
Habang nagsasaing
magpadala ka ng ṣalawāt sa Propeta ﷺ.
At baka isang araw
kapag inilatag na ang iyong Aklat ng mga Gawa
makikita mo ang mga pahina ng Ramadhan
na puno ng hasanāt mula sa kusina.
Hindi dahil sa ulam.
Kundi dahil sa niyyah.
At doon mo maiintindihan
na minsan,
ang pinaka-tahimik na ʿibādah
ang may pinakamalakas na tunog sa langit.
𝑰 𝑺 𝑻 𝑰 𝑸 𝑨 𝑴 𝑨 𝑯