Ang SAWTOL ATFAL ABRA AL-HAWA (Voices of Children on the Air) ay isang lokal na programa sa radyo na magbibigay boses sa mga usaping karapatan ng mga bata na siyang napapaloob sa United Nations Convention on Rights of the Child at Islam. Ang programang SAWTOL ATFAL ABRA AL-HAWA (Voices of Children on the Air) ay mapapakinggan tuwing araw ng Sabado sa oras na 2:00 PM hanggang 3:00 PM sa himpilan
ng 99.00 Voice FM Cotabato at mapapanood din ang live streaming nito sa page ng 99.0 Voice FM Cotabato at sa Sawtol Atfal Abra Al-Hawa page. Ito ay nakatutok sa mga sumusunod:
Una, ito ay tatalakay sa pagsusulong at pangangalaga ng mga karapatan ng mga bata na siyang napapaloob sa United Nations Convention on the Rights of the Child at Islam. Pangalawa, ito ay tatalakay din sa mga napapanahong isyu tungkol sa mga bata katuwang ang mga Muslim Religious Leaders mula sa ibat-ibang bahagi ng rehiyong Bangsamoro. Sponsors:
Bangsamoro Darul Ifta
Committee on Dawah and Masajid Affairs
Hay-atul Ulama Al-Muslimin in the Philippines
With support from:
Consortium of Bangsamoro Civil Society (CBCS)
United Nation Children's Fund (UNICEF)
Hosted by: Ustadz Mohamad Omar and Shiek Talal Sabpa