26/09/2025
TINGNAN | MAGAYON, LUMAHOK SA PROGRAMA NG GIVE H.E.A.R.T NI GOV. DATU ALI MIDTIMBANG
Sa GIVE H.E.A.R.T Project para sa National Peace Conciousness Month 2025 na programa mula sa pamunuan ni Honorable Gov. Datu Ali M. Midtimbang ay lumahok ang dalawa sa mga officer ng MAGAYON na sina Ivan S. Colot at Hasna Akmad kasama ng SK Chairperson ng Magaslong na si Baihana Palao kahapon โSeptember 25, 2025 na ginanap sa Municipal Covered Court ng Datu Piang na may temang "Mapayapang Bukas, abot-kamay sa bagong Pilipinas".
Sa nasabing programa ay mahalaga ang naging contribution nito sa pagpapalawak ng kaalaman sa mga lumahok patungkol sa usaping Prevention on Violent Extremism, Anti-Drug Addiction Campaign, Safety Driving at Fire Safety and Prevention para sa pagpapanatili ng kapayapaan ng Bangsamoro maging ng buong Pilipinas.
Kasama din pinagpasalamat sa mga bumuo ng programa ang tulong na kanilang natanggap na grocery items.
KABATAANG MAGASLONG, KAISA SA PAGSULONG