Uunlad Tayo Multipurpose Cooperative

Uunlad Tayo Multipurpose Cooperative Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Uunlad Tayo Multipurpose Cooperative, Community Organization, Concepcion.

Matagumpay na naisagawa at natapos ang Social Preparation (SocPrep) na ginanap sa Uunlad Tayo Multipurpose Cooperative (...
18/03/2026

Matagumpay na naisagawa at natapos ang Social Preparation (SocPrep) na ginanap sa Uunlad Tayo Multipurpose Cooperative (UTMPC) ngayong araw, bilang bahagi ng paghahanda para sa PRDP Rice Processing Subproject.

Punong-puno ng learning, sharing, at active participation mula sa ating mga miyembro bilang paghahanda sa PRDP Rice Processing SubProject.

Maraming salamat sa PSO, RCAP, Provincial Government Unit, at MCDO sa patuloy na suporta, na nagbigay ng gabay at teknikal na kaalaman sa mga kalahok! πŸ™Œ

Kasabay nito, isinagawa ang pamamahagi ng libreng binhi ng puting mais mula sa DA-Corn Department at binhi ng palay mula sa MAGBUBUKID Party List. Ang mga suportang ito ay inaasahang makatutulong sa pagpapataas ng produksyon at kabuhayan ng mga magsasaka.

Isinagawa ang unang araw ng Social Preparation (SocPrep) ng PSO kasama ang mga RPCO sa tanggapan ng Uunlad Tayo Multipur...
17/03/2026

Isinagawa ang unang araw ng Social Preparation (SocPrep) ng PSO kasama ang mga RPCO sa tanggapan ng Uunlad Tayo Multipurpose Cooperative, na nilahukan ng mga miyembro ng samahan. Layunin ng aktibidad na ihanda ang mga benepisyaryo para sa implementasyon ng PRDP Rice Processing Project na ginaganap ngayong ika-17 hanggang ika-18 ng Marso.

Sa isinagawang SocPrep, naging aktibo ang partisipasyon ng mga miyembro sa mga talakayan at workshop na naglalayong palakasin ang kanilang kaalaman sa pamamahala ng proyekto, organisasyon, at kolektibong responsibilidad.

Dumalo rin sa nasabing aktibidad ang mga kinatawan mula sa Provincial Project Management and Implementing Unit (PPMIU) at Municipal Cooperative Development Office (MCDO) bilang suporta sa pagpapatupad ng proyekto.

Isang malaking karangalan para sa UUNLAD TAYO Multipurpose Cooperative (UTMPC) na mapasama sa Top 9 Natatanging Kooperat...
21/11/2025

Isang malaking karangalan para sa UUNLAD TAYO Multipurpose Cooperative (UTMPC) na mapasama sa Top 9 Natatanging Kooperatiba sa buong lalawigan ng Tarlac sa naganap na 12th Gawad Tarlakhenyo noong Nobyembre 20, 2025 sa Tarlac Capitol Center.

Ang pagkilalang ito ay patunay ng ating patuloy na paglago, mahusay na pamamahala, at tapat na paglilingkod sa ating mga miyembro at komunidad. πŸ™ŒπŸŒΎ

Maraming salamat sa lahat ng kasapi, opisyal, at tagasuporta β€” ang tagumpay na ito ay para sa ating lahat! πŸ’šπŸ’›





14/11/2025
02/10/2025

πŸ“’ PABATID SA LAHAT

Ipinapaalam po namin na sarado ang opisina bukas dahil ang ating kooperatiba ay lalahok sa Provincial Kooplympics bilang bahagi ng pagdiriwang ng Cooperative Month.

Ang pagtitinda ng bigas (β‚±20/kilo) ay muling magbubukas sa Lunes, mula 1:30 PM hanggang 4:00 PM lamang.

πŸ“Œ First come, first served basis po.
πŸ“Œ Sarado rin ang opisina tuwing Sabado at Linggo.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at patuloy na suporta!

β€” UUNLAD TAYO Multipurpose Cooperative

UUNLAD TAYO Multipurpose Cooperative, Kasama sa Diskwento Caravan sa Xevera MabalacatMabalacat City, Pampanga – August 1...
14/08/2025

UUNLAD TAYO Multipurpose Cooperative, Kasama sa Diskwento Caravan sa Xevera Mabalacat

Mabalacat City, Pampanga – August 14, 2025 Ang UUNLAD TAYO Multipurpose Cooperative ay nakilahok sa Diskwento Caravan na ginanap sa Xevera, Mabalacat City, bilang bahagi ng adbokasiya nitong maghatid ng abot-kayang produkto at serbisyo sa komunidad.

Ang Diskwento Caravan ay isang programang naglalayong magbigay sa mga mamamayan ng mas murang bilihin, kabilang ang mga pangunahing pangangailangan, sa p**ikipagtulungan ng iba’t ibang kooperatiba, lokal na pamahalaan, at pribadong sektor.

Sa pamamagitan ng partisipasyon ng UUNLAD TAYO MPC, mas marami pang mamimili ang nakabenepisyo sa mataas na kalidad ngunit abot-presyong produkto, kasabay ng pagpapalakas sa lokal na ekonomiya at pagbibigay suporta sa mga magsasaka at micro-entrepreneurs.

β€œIsa sa mga layunin ng ating kooperatiba ay direktang makatulong sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng makatarungang presyo at tapat na serbisyo. Sa Diskwento Caravan, nakikita nating posible ang bayanihan para sa mas maunlad na pamumuhay,” ayon kay Mr. Moises Buan Manager ng UUNLAD TAYO MPC.

Inaasahan ng kooperatiba na makikilahok pa sa mas marami pang ganitong programa upang mas marami pang mamamayan ang makinabang at mapaunlad ang kanilang kabuhayan.



Uunlad Tayo Mpc

Agri Puhunan Pantawid Program: Suporta sa Magsasaka, Siguradong KitaAgosto 12, 2025 – Nagsagawa ng orientation ang Uunla...
12/08/2025

Agri Puhunan Pantawid Program: Suporta sa Magsasaka, Siguradong Kita

Agosto 12, 2025 – Nagsagawa ng orientation ang Uunlad Tayo Multipurpose Cooperative kaugnay ng Agri Puhunan Pantawid Program ng Department of Agriculture (DA) at Agricultural Credit Policy Council (ACPC), isang programang nakatuon sa pagbibigay ng abot-kayang pautang at tuloy-tuloy na suporta sa mga magsasaka upang matiyak ang kanilang kita at mapalakas ang sektor ng agrikultura.

Dinaluhan ang aktibidad ng mga kinatawan mula sa Concepcion Municipal Agriculture Office (MAO), Development Bank of the Philippines (DBP), Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC), at National Food Authority (NFA), na nagbahagi ng kanilang mga programa at serbisyo para sa pagpapalakas ng kakayahan ng mga magsasaka.

Ayon kay Mr. Moises S. Buan General Manager ng Uunlad Tayo Multipurpose Cooperative, β€œAng programang ito ay hindi lamang nagbibigay ng puhunan, kundi ng pag-asa. Sa tulong ng ating mga katuwang na institusyon, masisiguro nating may sapat na suporta ang ating mga magsasaka mula sa pagtatanim hanggang sa pagbenta ng kanilang ani.”

Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng kooperatiba at mga ahensya ng pamahalaan, inaasahang mas maraming magsasaka ang magkakaroon ng mas matatag at masaganang kabuhayan.



Uunlad Tayo Mpc

Bringing hope, one grain at a time. Through our rice outreach program, we share not just foodβ€”but care and compassion to...
24/07/2025

Bringing hope, one grain at a time. Through our rice outreach program, we share not just foodβ€”but care and compassion to those in need.

Address

Concepcion
2316

Telephone

+639306433025

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Uunlad Tayo Multipurpose Cooperative posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Uunlad Tayo Multipurpose Cooperative:

Share