28/11/2025
TEENAGE PREGNANCY, BIYAYANG SULIRANIN
✍️HANNAH P. SERDEÑA
Teenage pregnancy o maagang pagbunbuntis ay resulta ng pagtatalik o gawaing seksuwal ng dalawang magkaibang kasarian na menor de adad pa lamang.Kapag ang babae ay nagkakaroon na ng regla ,hindi ito imposibleng mangyari kung saan ay tinatawag silang mga batang ina.
Karaniwang nagsisimulang reglahin ang isang babae sa 12 taong gulang ngunit mayroon ding mas bata pa rito.Nagkakaroon ng regla ang isang babae dahil ito sa pagbabagong hormonal na nagdudulot ng pagkapal ng lining ng matris bilang paghahanda para sa na-fertilize na itlog.Dalawa lamang ang dahilan kapag ang regla ng babae ay huminto, buntis ito o hindi regular ang kaniyang regla.
Malaki ang suliranin na patuloy na kinakaharap ng Pilipinas hanggang ngayon.Ayon sa pananaliksik ng Save the Children Philippines (SCP). Ang Pilipinas ay nananatiling isa sa bansang may pinakamataas na ka*o ng maagang pagbubuntis sa Asya.Pangalawa ito sa Timog-Silangang Asya kung saan mahigit 500 na kabataang babae na may edad 15 hanggang 19 ang nagiging ina araw- araw.
Ayon sa Plan International, nakasaad din dito ang ilan lamang sa mga dahilan kung bakit ito nangyayari,ang kakulangan ng kaalaman ng mga kabataan sa kalusugang reproduktibo.Ang kalusugang reproduktibo ay isang pangangalagang nakatuon sa sekswal na kapakanan ng tao.
Dagdag pa nito ,kabilang din ang limitadong akses sa serbisyong pangkabataan. Kapabayaan ng mga magulang, karahasang seksuwal kung saan pinipwersa ng nakatatandang lalaki ang batang babae, maagang pag-aasawa, at higit sa lahat ang pagtigil nito sa pag-aaral.
Gayunpaman mayroong mga dahilan na kaakibat nito ang epekto na maidudulot hindi lamang sa mga kabataang kababaihan kundi pati na rin ang batang dinadala ng mga ito. Ayon SCP, inihayag dito na
ang mga kabataang 15 taong gulang pababa ay nasa mas delikadong sitwasyon sapagkat maaari nila itong ikamatay. Ang kanilang anak ay maaaring maisilang ito ng kulang sa buwan o Hindi kaya'y mababang ang timbang.
Ayon naman sa pananaliksik ng Hello Doctor Philippines,mas malaki din ang posibilidad na makaranas ang isang batang ina ng malnutrisyon.Ang malnutrisyon ay tumutukoy sa hindi balanseng pagpa*ok ng eneheriya at sustansya sa katawan ng tao.Dagdag pa nito ay anemia,ito ay isang kondisyon kung saan ang dugo ay gumagawa ng mas mababa sa normal na dami ng malulusog na pulang selula ng dugo.
Kabilang din ang impeksyon na naipapasa sa pakikipagtalik,halimbawa na lamang ang Human immunodeficiency Virus(HIV) na isang uri ng virus na umaatake sa sistemang panlaban ng katawan.Kapag hindi maagapan ay maaaring mauwi sa Acquired immunodeficiency syndrome (AIDS).
Upang matugunan ang pagtaas ng mga ka*ong katulad nito ay dapat gumawa ang gobyerno ng mga programang makatutulong para sa lahat ng mga kabataang naging batang ina.Mabigyan sila ng kaalaman patungkol sa sekswal at kalusugang reproduktibo upang maprotektahan nila ang kanilang nga sarili at maimulat ang kanilang mga mata patungkol sa mga bagay na ito.Ngunit hindi lamang ito limitado sa kabataang kababaihan kundi pati na rin sa lahat.
Bagamat hindi madali maging isang batang ina probemang maituturing dahil mamumulat talaga sa mundo ng responsibilidad na hindi pa sana dapat gampanan. Panganib din sa kalusugan ang hatid nito sapagkat ang katawan ay hindi pa handa sa ganitong sistema,dahil dito marami ang napapahamak.
Kaya huwag magpadalos dalos sa padedesisyon, isipin muna kung ano ang maging bunga imbes na biyaya sana pero suliranin ang dala.