13/03/2026
"Isang buhos ng pagsisikap, para sa maraming pamilya"
Sa aking mga kapwa iskolar ng Pisay Gitnang Luzon, magandang araw!
Ako nga pala si Prince Justin Ian Montejo, isang mag-aaral ng PSHS-CLC mula sa Batch ALYAPOSA. Gusto ko sanang gamitin ang pagkakataon na ito para ibahagi sa inyo ang munting SCALe activity na ginawa ko, dala ng mga litratong kinuha ko kasama ang maraming pamilyang natulungan ng proyektong ito.
Ito ang Kain Po! Outreach Program, isang outreach program na inihanda ko mag-isa upang makatulong sa aking mga kapwa. Sa mga pagkakataon na ito ay gusto kong makatulong gamit ang plataporma ng SCALe mula sa Pisay. Ngunit, sinigurado ko na ang pagtulong ay bukal sa aking loob at hindi lamang para sa gawain na kailangang ipasa.
Hindi naging madali ang paghahanda ko para rito, dahil hindi mabilis na proseso ang paghahanda't pagluluto ng pagkain para sa humigit kumulang 30 na katao. Kung kaya't nais kong gamitin ang page na ito upang ipasa sa inyo ang project na ito. Sa mga susunod pang batches na naghahanap ng SCALe, nawa'y ipagpatuloy ninyo ang proyektong ito kung nais ninyong makatulong rin sa mga kapwa.
Para sa iba pang mga detalye ng proyekto, maaari ninyong i-contact ang page na ito o i-message ang personal account ko (Justin Montejo sa FB) upang matulungan ko kayo sa detalye ng forms at iba pa.
Abangan ang iba pang mga anunsyo't PubMat ukol sa proyekto dito, maraming salamat po! ❤️