01/05/2026
Sa Araw ng Paggawa, kinikilala natin ang manggagawa sa pabrika, opisina, at higit sa lahat ang mga magsasakang patuloy na bumubuhay sa bayan. Sila ang nagtatanim, nag-aani, at sinisiguro ang pagkain sa bawat hapag, ngunit kapalit nito ay panggigipit, panunupil, at militarisasyon sa kanilang mga komunidad. Sa halip na proteksyon, lantad na pananakot ng Estado ang kanilang dinaranas, kasabay ng patuloy na pangangamkam ng lupa. At sa pagpapatuloy ng karahasan na ito ay lalong lumalalim ang kawalan ng katarungan para sa magsasakang dapat sana ay pinangangalagaan.
Kasabay nito, tumataginting ang panawagan ng mga manggagawa: 𝗶𝘁𝗮𝗮𝘀 𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗵𝗼𝗱, 𝗶𝗯𝗮𝗯𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗿𝗲𝘀𝘆𝗼 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗯𝗶𝗹𝗶𝗵𝗶𝗻, 𝗮𝘁 𝗶𝗴𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗿𝗮𝗽𝗮𝘁𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴-𝘂𝘂𝗻𝘆𝗼𝗻. Sa gitna ng sunod-sunod na oil price hike na direktang nagpapahirap sa mga tsuperat komyuter nananatiling hindi sapat ang sahod upang sumabay sa patuloy na pagtaas ng bilihin, kaya nanatiling mababa ang tunay na halaga ng kita, at laganappa rin ang kontraktwalisasyon nanagkakait ng seguridad sa trabaho at benepisyo.
Sa gitna ng ganitong kalagayan, may mga nasa kapangyarihan na tila hiwalay sa realidad ng mamamayan. May mga opisyal na patuloy na tumatanggap ng sahod kahit hindi ginagampananang kanilang tungkulin, gaya ng mga usapin kay Ronald "Bato" dela Rosa. Mayroon ding mga lider na mas inuuna ang pansariling intereskaysa pananagutan, tulad ng mga kontrobersiyang kinahaharap ni Sara Duterte.
Lumalalim din ang hidwaan sa social media tungkol sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). May mga nagsasabing “mas marangya pa ang buhay ng benepisyaryo kaysa sa mga nagtatrabaho,” at may panawagan pang alisin na lamang ang programa. Ngunit hindi dapat ituring na kalaban ang sariling kababayan. Ang mga benepisyaryo ng 4Ps ay hindi kaaway ng mga manggagawa—pareho silang biktima ng isang sistemang kulang sa sapat at patas na oportunidad.
Kung susuriin, hindi ito hiwa-hiwalay na isyu kundi malinaw na bunga ng isang sistemang patuloy na pumapabor sa makapangyarihan habang nagpapabigat sa nakararami. Isang sistemang inuuna ang interes ng iilan kaysa sa kapakanan ng masa. 𝗦𝗮 𝗔𝗿𝗮𝘄 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴𝗴𝗮𝘄𝗮, 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝘀𝗮𝗽𝗮𝘁 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗸𝗶𝗹𝗮𝗹𝗮—𝗸𝗮𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗶𝗻𝗶𝗻𝗱𝗶𝗴𝗮𝗻. Paninindigan laban sa sistemang hinahayaan ang magsasakang mawalan ng lupa, ang manggagawang malunod sa taas ng bilihin, at ang mamamayang pag-awayin imbes na pagkaisahin. Hangga't ang nagpapakain sa bayan ay gutom, at ang mga nasa kapangyarihan ay hindi mananagot, hindi pa tapos ang laban. Sapagkat ang tunay na paninindigan ay makikita sa paltos ng kamay ng manggagawa na nagbubungkal ng lupa at nagpapaikot sa gulong ng ekonomiya, malayong malayo sa lantarang paglulustay ng mga nasa itaas sa yamang kailanman ay hindi nila pinagpaguran. Ang tunay na serbisyo ay hindi nasusukat sa posisyon o palabas, kundi sa konkretong pagbabago sa buhay ng pinakamaralita. Sa halip na magturuan, dapat magkaisa-dahil ang laban ng isa ay laban ng lahat.
Mabuhay ang manggagawang Pilipino!
Mabuhay ang manggagawa ng mundo!
Kaisa ang Sigma Kappa Pi at Sigma Delta Pi sa paninindigan para sa mga manggagawa at magsasaka ng bayan, at sa pagsulong ng isang tunay at malayanglipunan para sa lahat. Isang kolektibong panawagan para sa tunay na pagbabago!