31/03/2026
๐๐ข๐ง๐๐ข ๐ฌ๐๐ฉ๐๐ญ ๐๐ง๐ "๐๐ฆ๐ฉ๐จ๐ฐ๐๐ซ๐ฆ๐๐ง๐ญ" ๐ค๐ฎ๐ง๐ ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ค๐ข๐ง๐ข๐ค๐ข๐ฅ๐๐ฅ๐ ๐๐ง๐ ๐ญ๐ฎ๐ง๐๐ฒ ๐ง๐ ๐ก๐๐ฅ๐๐ ๐ ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐ ๐๐ฐ๐ ๐ง๐ ๐ค๐๐๐๐๐๐ข๐ก๐๐ง.
Ngayong buwan ng Marso, ipinagdiriwang natin ang National Womenโs Month, isang panahon upang kilalanin ang mga kontribusyon, tagumpay, at patuloy na pakikibaka ng kababaihan sa ating lipunan. Karaniwang iniuugnay ang buwang ito sa tema ng womenโs empowermentโang pagbibigay ng mas maraming oportunidad, boses, at representasyon sa kababaihan. Gayunpaman, hindi sapat na pag-usapan lamang ang empowerment sa abstraktong paraan. Ito rin ay tungkol sa ugnayan ng kababaihan, paggawa, at ang papel ng estado sa pagkilala at pagprotekta sa kanilang trabaho.
Maraming uri ng trabaho ng kababaihan ang nananatiling hindi nakikita o hindi sapat na kinikilala, lalo na sa care economy, tulad ng pag-aalaga ng mga bata, matatanda, at pamamahala ng tahanan. Bagama't mahalaga ang mga gawaing ito sa pagpapatakbo ng pamilya at lipunan, nananatili itong hindi nababayaran at sistematikong minamaliit. Bukod dito, marami ring kababaihan ang nagtatrabaho sa precarious o hindi tiyak at walang kasiguraduhang trabaho at sa impormal na sektor, kung saan kulang ang seguridad sa trabaho, benepisyo, at proteksyon. Mas malinaw pa itong makikita sa karanasan ng mga migranteng kababaihan, na kadalasang nagtatrabaho bilang domestic workers o caregivers sa ibang bansa sa ilalim ng mahihirap na kondisyon.
Sa ganitong konteksto, mahalagang pag-usapan ang kababaihan hindi lamang sa lente ng empowerment, kundi sa mas malawak na tanong kung paano kinikilala, pinahahalagahan, at pinoprotektahan ng estado ang kanilang paggawa. Higit pa rito, nararapat lamang na itulak ang mga patakaran at pagkilos na tunay na magbibigay ng dignidad, seguridad, at hustisya sa paggawa ng kababaihan.