02/09/2026
๐๐๐ง๐๐ฅ๐๐ฅ๐ฌ | ๐ ๐๐ ๐ฃ๐๐๐ง๐ ๐ก๐ ๐ก๐๐ง๐๐ฃ๐ข๐ฆ, ๐ ๐๐ ๐๐๐ฃ๐จ๐ก๐๐ก๐ ๐ก๐๐๐ช๐๐ก
โNak, kumusta plates mo?โ
Iyon ang lagi nilang tanong.
Hindi, โKumain ka na ba?โ
Hindi, โPagod ka ba?โ
Hindi, โUuwi ka ba ngayong gabi?โ
Kundi,
โNak, kumusta plates mo?โ
At palagi kong sinasagot,
โKonti na lang.โ
Konti na lang ang kulang sa floor plan.
Konti na lang ang sections.
Konti na lang ang perspectives.
Konti na lang ang rendering.
Konti na lang, at matatapos na.
Pero sa bawat konti na lang,
may hapunan na naman akong hindi naaabutan.
May isang plato sa hapag.
Walang kanin.
Walang ulam.
Walang kubyertos na kumakalansing.
Nakahain lang ito sa gitna ng mesa.
Malinis.
At marahil, iyon ang pinakamalungkot na klase ng plato.
Dahil ang mga plato ko sa paaralan ay kailangang mapuno.
Puno ng linya.
Puno ng sukat.
Puno ng annotations.
Puno ng detalye.
Kailangan walang espasyong nasasayang.
Pero sa bahay, may isang platong sadyang walang laman.
At ako ang kulang dito.
๐ | Neriza Adriatico
๐ | Jaden Haniel Pastorin