14/04/2026
๐๐๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ฎ๐ก๐๐ฒ ๐๐ญ ๐๐๐ซ๐ ๐ง๐ข ๐๐ข๐๐๐จ๐ฅ๐จ ๐๐๐๐ก๐ข๐๐ฏ๐๐ฅ๐ฅ๐ข
The Life and Works of Machiavelli: Power, Politics, and Principle
Ngayong ika-14 ng Abril 2026, buong husay na ipinamalas ng BA Political Science, pangkat 2A ang isang makapangyarihang pagsasadula hinggil sa buhay at akda ni Niccolรฒ Machiavelli, isang pangalang matagal ng nakaukit sa kasaysayan ng kaisipang pampolitika.
Sa loob ng limang araw ng puspusang paghahanda, maingat na hinabi ng pangkat ang bawat eksena na tila mga pahina ng kasaysayang muling binuklat. Isinadula nila ang pag-angat at pagbagsak ni Machiavelli, mula sa pagiging isang lingkod-bayan ng Florence, hanggang sa kanyang pagkakatapon at pag-iisa.
Higit sa lahat, naging sentro rin ng pagtatanghal ang kanyang tanyag na akdang โ๐๐๐ ๐๐ง๐๐ฃ๐๐.โ Ang akda ay hindi lang itinanghal bilang malamig na manwal ng kapangyarihan, kundi bilang isang babala at paalala: na ang politika ay hindi laging nakabatay sa kabutihan, kundi sa kakayahang umangkop, mag-isip, at mabuhay sa gitna ng kaguluhan.
Sa kabuuan, ang pagtatanghal ng BAPS 2A ay hindi lamang isang rekonstruksiyon ng kasaysayan, kundi isang pagninilay sa tunay na mukha ng pamumuno at kapangyarihan. Sa kanilang sining, muling nabigyang-anyo si Machiavelli, hindi bilang isang kontrabida ng moralidad, kundi bilang isang pilosopong naglakas-loob na ilahad kung paano umiiral ang ating mundo.
At sa huli, ang entablado ay hindi lamang naging lugar ng pagtatanghal, itoโy naging salamin ng katotohanan, kung saan ang bawat manonood ay hinamon: ๐ฎ๐ข๐ด ๐ฎ๐ข๐ช๐ฏ๐ข๐ฎ ๐ฃ๐ข๐ฏ๐จ ๐ช๐ฌ๐ข๐ธ ๐ข๐บ ๐ฎ๐ข๐ฉ๐ข๐ญ๐ช๐ฏ... ๐ฐ ๐ฌ๐ข๐ต๐ข๐ฌ๐ถ๐ต๐ข๐ฏ?
๐๐จ๐๐ฃ๐๐ฉ๐๐ฉ๐๐ ๐ฃ๐: ๐๐๐ค๐ฃ๐๐๐ก ๐๐๐ฃ๐๐ง๐๐๐ ๐. ๐ฟ๐๐ง๐๐๐ฉ๐ค