28/08/2026
Buwan ng Wikang Pambansa 2026! Pagdiriwang ng Wika, Kultura at Pagkakaisa!
Masayang ipinagdiwang ngayong Agosto 28, 2026 (Biyernes) ang Buwan ng Wikang Pambansa 2026 sa BP Cebu Multi-purpose Hall, na may temang “Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.” Naging makulay ang pagdiriwang dahil sa Filipiniana o kasuotang Pilipino na isinuot ng mga bata, magulang, at g**o.
Pinangunahan nina G. Edmelson Viernes at Bb. Angelika Placer ang palatuntunan. Sinimulan ang programa sa isang masayang parada kasama ang mga bata, magulang, at g**o, na sinundan ng pag-awit ng Lupang Hinirang, pambungad na panalangin, at sama-samang ehersisyo.
Lalong naging masigla ang programa sa pamamagitan ng mga pagtatanghal ng mga bata mula sa morning at afternoon classes, mga awit, at iba’t ibang palaro tulad ng paunahang magdala (Bring Me), Planting Straw, at sayaw sa papel (Paper Dance). Naging espesyal din ang pagdiriwang dahil sa masayang pakikilahok ng mga magulang sa kanilang mga sayaw, pati na rin sa presentasyon ng mga g**o ng Bukas Palad.
Isang makabuluhang bahagi ng programa ang pagbibigay ng parangal sa mga bata, na pinangunahan ng mga g**o ng BPLC kasama sila Teacher Amata, Carmen, Nesly, Rosalie, Rhea at ang aming nag iisa at pinakamahusay na social worker, Bb.Shayn. Nagbigay naman ng pangwakas na pananalita si Ginoong Joey Abaño, PTA president.
Nagtapos ang pagdiriwang sa sama-samang panalangin, barrio fiesta o salo-salo, at pagtutulungan ng lahat sa paglilinis. Sa kabuuan, naging masaya at makabuluhan ang pagdiriwang, na hindi lamang nagbigay-diin sa kahalagahan ng wikang Filipino at kulturang Pilipino, kundi nagpatibay din sa pagkakaisa, pakikilahok, at bayanihan ng buong BPLC.