22/08/2025
Mabuhay mula sa SBO! ✨🇵🇭
Handa na ba kayo sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2025 ngayong Agosto 29, 2025 sa South Hills International School? 🎉
Tampok dito ang makukulay na kasuotan na ipapakitang-gilas sa entablado na tinatawag na "PASARELA", kasabay ng mga awiting puno ng damdamin at inspirasyon na maghahatid ng makabuluhang karanasan sa lahat ng manonood, at mga kahanga-hangang katutubong sayaw na tiyak na magpapasigla at magpapaindak sa ating pagdiriwang, lahat ay itatanghal ng ating mga mahuhusay na mag-aaral! 💃🎶✨
At hindi lang ‘yan, mayroon din tayong mga espesyal na bisita na makikisama at makikisaksi sa makabuluhan at makasaysayang kaganapang ito! 🌟
Sa temang “Filipino: Wika ng Kaunlaran at Pagkakaisa”, sabay-sabay nating ipagdiwang ang ating kultura, pagkakaisa, at pagiging tunay na Pilipino! 🇵🇭❤️
✨ Maningning, South Hills International School!
-26