All UP Workers Union - Cebu Chapter

All UP Workers Union - Cebu Chapter The All U.P.

Workers Union is the duly recognized bargaining unit since August 7, 2001, representing the rank-and-file non-academic (administrative) personnel of the University of the Philippines.

https://www.facebook.com/share/p/1AFwWx2qCm/
19/05/2026

https://www.facebook.com/share/p/1AFwWx2qCm/

Nagpasya ang na maituturing na constructive dismissal ang pagpapatupad ng bawas na araw sa pagtatrabaho at sistema ng rotasyon kung walang pagpayag mula sa mga manggagawa.

Sa Desisyon na isinulat ni Associate Justice Amy C. Lazaro-Javier, sinabi En Banc ng Korte Suprema na may pananagutan ang Fiber Textile Manufacturing Corp. (FMC), isang kumpanya ng pagawaan ng tela, sa constructive dismissal ng pito nitong manggagawa sa produksiyon. Ito ay matapos bawasan ng kumpanya ang kanilang anim na araw na workweek tungo sa dalawa hanggang tatlong araw na lamang at magpatupad ng plano para sa rotasyon sa trabaho nang walang pahintulot ng mga manggagawa. Giit ng FMC, sumang-ayon ang mga manggagawa sa pansamantalang sistema na ito sa isang pagpupulong ukol sa kakulangan ng mga raw material o hilaw na materyales.

Naghain ng reklamo para sa constructive dismissal ang mga manggagawa at iginiit na mistula silang tinanggal sa trabaho nang sabihan silang huwag nang bumalik sa trabaho.

Nagpasya ang Labor Arbiter pabor sa mga manggagawa pero binaliktad ito ng National Labor Relations Commission (NLRC) at ng Court of Appeals (CA) na kinatigan ang mga naging hakbang ng FMC bilang wastong paggamit ng management prerogative.

Hindi sumang-ayon ang Korte Suprema. Binigyang-diin nito na bagamat maaaring magpatupad ang mga employer ng mga flexible work arrangement sa panahon ng kagipitang pang-ekonomiya o mga national emergency, dapat sumunod ang mga kaayusang ito sa mga itinakda sa Department Advisory No. 2, Series of 2009 ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Paliwanag ng Korte Suprema, dapat munang konsultahin ng mga employer ang mga apektadong empleyado at makuha ang kusang-loob na suporta ng mayorya ng mga manggagawa. Dapat din ipagbigay-alam ng mga employer sa DOLE bago ipatupad ang kaayusan, at patunayan na ang kumpanya ay nakararanas ng tunay o makatwirang nagbabadyang kagipitang pang-ekonomiya.

Sa kasong ito, sinabi ng Korte Suprema na nabigo ang FMC na patunayan na kusang-loob na sumang-ayon ang mga manggagawa sa bawas na mga araw ng pagtatrabaho at sa sistema ng rotasyon. Nagpasya ang Korte na hindi katumbas ng pagkuha sa kanilang pahintulot ang simpleng pagpapatalastas o pagbibigay-alam sa mga empleyado ukol sa kaayusan.

Nabigo rin ang FMC na mag-abiso sa DOLE bago ang pagpapatupad nito at nabigong patunayan na ito ay nakararanas ng tunay o nagbabadyang kagipitang pang-ekonomiya na magbibigay-katwiran sa pagbabawas ng mga araw ng pagtatrabaho.

Binigyang-diin din ng Korte na bagamat maaaring magpatupad ang mga employer ng mga flexible work arrangement para maiwasan ang pagkalugi ng negosyo, ang mga naturang hakbang ay dapat gawin nang may good faith o mabuting intensiyon at may wastong pagpapahalaga sa mga karapatan ng mga manggagawa.

Ang ilegal na pagbabawas ng FMC sa mga araw ng pagtatrabaho ay maituturing na constructive dismissal dahil nagresulta ito sa pagbaba ng suweldo na naging hindi makatwiran para sa mga manggagawa ang pananatili sa trabaho.

Sa kanyang Sumasang-ayon na Opinyon, binigyang-diin ni Senior Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen na ang kinakailangang mutual consent o pahintulot sa parehong panig sa mga flexible work arrangement ay nag-uugat sa consensual nature ng mga kontrata sa trabaho kung kaya’t hindi maaaring baguhin ng mga employer nang mag-isa ang mga iskedyul sa paraang magbabawas sa suweldo ng mga empleyado.

Sa kanyang Sumasang-ayon at Hindi Sumasang-ayon na Opinyon, sumang-ayon si Associate Justice Alfredo Benjamin S. Caguioa na nananatiling may pananagutan ang FMC sa constructive dismissal dahil sa kabiguan nitong patunayan na kusang-loob na sumang-ayon ang mga manggagawa sa bawas na araw ng pagtatrabaho at plano ng rotasyon. Gayunpaman, binigyang-diin niya na walang materyales ang FMC na magagamit sa loob ng ilang buwan na lubhang nakaapekto sa operasyon ng produksiyon. Dahil dito, isinaad niya na hinarap ng FMC ang isang makatwirang nagbabadyang kagipitang pang-ekonomiya na maaaring magbigay-katwiran sa pansamantalang pagpapatupad ng mga flexible work arrangement.

Basahin ang press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=166287

Basahin ang Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=166264

Basahin ang Sumasang-ayon na Opinyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=166269

Basahin ang Sumasang-ayon at Hindi Sumasang-ayon na Opinyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=166274

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


ADLAW SA MGA MAMUMUOGiselebrar sa All UP Workers Union Cebu Chapter ang adlaw sa mga mamumuo paagi sa pagsponsor sa binu...
06/05/2026

ADLAW SA MGA MAMUMUO

Giselebrar sa All UP Workers Union Cebu Chapter ang adlaw sa mga mamumuo paagi sa pagsponsor sa binuwang misa sa UP Cebu karong Mayo 6, 2026.

Human sa misa, nanghatag og libreng champorado para sa mga mamumuo, magtutudlo ug estudyante sa unibersidad ang unyon.

Aduna pa untay ipahigayon nga seminar ang unyon kabahin sa paglikay sa investment scams ug debt traps apan kini wala nadayon tungod sa pagsuspenso sa trabaho tungod sa proclamation no. 1239 gikan sa office of the president. Ang pagpadayon sa seminar i-anunsyo puhon.

Ganahan usab magpasalamat ang unyon sa tanang nitambong ug kang Dr. Annabelle Maglasang, UP Fiat, ug UP Serenata sa pag assist ug pag organisa sa maong misa.

Padayon ang unyon sa pakigbisog para sa regularisasyon, pagtaas sa sweldo ug benepisyo ug seguridad sa pagpanarbaho alang sa tanan mamumuo.

In celebration of Labor Day, the All UP Workers’ Union – Cebu Chapter invites all UP Cebu faculty and staff to a day of ...
01/05/2026

In celebration of Labor Day, the All UP Workers’ Union – Cebu Chapter invites all UP Cebu faculty and staff to a day of reflection and learning on May 6, Wednesday.

A Holy Mass will be held at 12:00 NN at the CSB Lobby.

At 1:30 PM, a seminar will follow at the ILC, Administrative Building, in partnership with the SEC Cebu Extension Office. Titled “Beyond the Paycheck: Protecting Workers from Investment Scams and the Debt Trap,” the session will cover how to identify common investment scams and avoid debt traps.

Congratulations to our AUPWU Active Member, Sir Celio Labajo for Successfully Presenting your Research!Padayon!
06/03/2026

Congratulations to our AUPWU Active Member, Sir Celio Labajo for Successfully Presenting your Research!

Padayon!

25/02/2026
Si Miss Nennen Escabillas usa usab ka aktibong miyembro sa All UP Workers Union Cebu Chapter. Usa siya ka ehemplo sa usa...
13/02/2026

Si Miss Nennen Escabillas usa usab ka aktibong miyembro sa All UP Workers Union Cebu Chapter.

Usa siya ka ehemplo sa usa ka empleyado nga madasigon, kugihan, ug matinabangon sa iyang mga kauban, kaila, ug pamilya.

Mingawon mi nimo, Miss Nen!

The University of the Philippines Cebu community mourns the passing of Ms. Nennen E. Escabillas (August 17, 1978 – February 13, 2026), a well-loved and deeply respected member of our university.

Ms. Escabillas served as a staff member of the Gender and Development Office and as a Dormitory Manager. In 2024, she was recognized as a Gawad Chancellor Awardee for Outstanding Administrative Staff.

Her kindness, guidance, and presence will be profoundly missed by colleagues, students, and all who had the privilege of knowing her.

The wake will be held from February 17 to February 20, 2026, at St. Peter Imus, Cebu City.

We extend our heartfelt condolences to her family, friends, and loved ones.

May her memory continue to inspire and live on within the UP Cebu community.

Annual Incentive Grant: Pagkilala sa Araw-araw na PaglilingkodMay mga tagumpay na tahimik, ngunit malalim ang saysay. An...
13/02/2026

Annual Incentive Grant: Pagkilala sa Araw-araw na Paglilingkod
May mga tagumpay na tahimik, ngunit malalim ang saysay. Ang Annual Incentive Grant ay isa rito—hindi lamang bilang dagdag na benepisyo, kundi bilang bunga ng matiyaga at sama-samang pakikipaglaban ng All UP Workers Union. Nagsimula ito bilang Merit Incentive noong 2002—isang simpleng pagkilala sa sipag at husay ng mga kawani—ngunit sa likod nito ay ang mahabang negosasyon, matatag na paninindigan, at kolektibong pagkilos ng mga manggagawa.
Sa bawat renegosasyon ng CNA, ipinaglaban ng Unyon ang patuloy na pag-angat ng insentibong ito—mula sa paunang halaga nito, hanggang sa pagpapalawak at pagpapalit ng pangalan bilang Annual Incentive Grant noong 2015. Hinati ang pag-release nito upang mas maramdaman ang pagkilala sa bawat yugto ng taon, patunay na ang pakikipaglaban ay hindi lamang para sa dagdag na piso, kundi para sa dignidad ng paggawa.
At ngayon, sa ilalim ng administrasyong PAJ, patuloy nating nasasaksihan ang katuparan ng kasunduan. Sa ikalawang taon ng staggered payment, matatanggap natin ang halagang ₱8,500—hindi lamang bilang insentibo, kundi bilang paalala na ang bawat hakbang ng pakikibaka ay may bunga. Sa bawat pagtaas ng AIG, naroon ang bakas ng sama-samang tinig ng mga kawani—ang paniniwalang ang araw-araw na paglilingkod sa Unibersidad ay may halaga. At ang halagang iyon ay hindi basta ibinibigay. Ito’y ipinaglalaban, pinaghihirapan, at pinananatili sa pamamagitan ng pagkakaisa.

Annual Incentive Grant: Pagkilala sa Araw-araw na Paglilingkod

May mga tagumpay na tahimik, ngunit malalim ang saysay. Ang Annual Incentive Grant ay isa rito—hindi lamang bilang dagdag na benepisyo, kundi bilang bunga ng matiyaga at sama-samang pakikipaglaban ng All UP Workers Union. Nagsimula ito bilang Merit Incentive noong 2002—isang simpleng pagkilala sa sipag at husay ng mga kawani—ngunit sa likod nito ay ang mahabang negosasyon, matatag na paninindigan, at kolektibong pagkilos ng mga manggagawa.
Sa bawat renegosasyon ng CNA, ipinaglaban ng Unyon ang patuloy na pag-angat ng insentibong ito—mula sa paunang halaga nito, hanggang sa pagpapalawak at pagpapalit ng pangalan bilang Annual Incentive Grant noong 2015. Hinati ang pag-release nito upang mas maramdaman ang pagkilala sa bawat yugto ng taon, patunay na ang pakikipaglaban ay hindi lamang para sa dagdag na piso, kundi para sa dignidad ng paggawa.

At ngayon, sa ilalim ng administrasyong PAJ, patuloy nating nasasaksihan ang katuparan ng kasunduan. Sa ikalawang taon ng staggered payment, matatanggap natin ang halagang ₱8,500—hindi lamang bilang insentibo, kundi bilang paalala na ang bawat hakbang ng pakikibaka ay may bunga. Sa bawat pagtaas ng AIG, naroon ang bakas ng sama-samang tinig ng mga kawani—ang paniniwalang ang araw-araw na paglilingkod sa Unibersidad ay may halaga. At ang halagang iyon ay hindi basta ibinibigay. Ito’y ipinaglalaban, pinaghihirapan, at pinananatili sa pamamagitan ng pagkakaisa.

Pahalipay, SR Rey Espanto ug Daghang Salamat, SR Donna!!! ✊✊✊
04/02/2026

Pahalipay, SR Rey Espanto ug Daghang Salamat, SR Donna!!! ✊✊✊

24/12/2025

Merry Christmas gikan sa kinatibuk-ang pwersa sa Admin Staff, Faculty and REPS sa UP Cebu! 🎄

✊✊✊
22/12/2025

✊✊✊

Address

Gorordo Avenue , Lahug
Cebu City
6000

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when All UP Workers Union - Cebu Chapter posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category