08/07/2026
JUSTICE FOR BINALIW LANDFILL COLLAPSE VICTIMS!
Sa paggunita sa ika-6 na buwan ng landfill collapse sa Binaliw, Cebu, nagsagawa ng online forum ang IOHSAD at Justice for Prime Waste 39 Network upang palakasin ang panawagan para sa katarungan at isulong ang kagyat at pangmatagalang mga solusyon sa krisis sa basurang kinakaharap ng bansa.
Sama-samang nanawagan ang iba’t ibang organisasyon ng pagtigil sa pagtatayo ng mga bago't mapanganib na landfill at WTE project na nagdudulot ng kapahamakan sa kalusugan at kabuhayan ng mga manggagawa’t mamamayan.
Ipinanawagan din ang kagyat na pagsasabatas ng Magna Carta of Waste Workers sa Kongreso para sa proteksyon at kagalingan ng mga waste worker. Nagkaisa rin sa paggigiit na mas palakasin ang iba’t ibang zero-waste system bilang pamamaraan sa pagharap sa krisis sa basura.
Nag-alay rin ang IOHSAD ng misa sa Baclaran Church para ipanalangin ang bawat buhay ng manggagawang nawala sa trahedya at bigyang lakas ang kanilang mga pamilyang naiwan.
Narito ang mga pangalan ng 20 sa 39 na manggagawang namatay sa Binaliw landfill collapse:
* Jhea Jayme Librando
* James Andrino
* Rowena Randino
* John Paul Apilan
* Jane Haymor Tubod
* Armi Leah Labos
* Luz Parilla
* Gemma Apas
* Marissa Auman
* Remylan Pasay
* Marissa Carmelitos
* Susan Marikit
* Jonel Mabatid
* Kristian Ople
* Benjie Magale
* Arnel Comiso
* Walter Cantano
* Lloyd Quiatan Ople
* Juvic Apas
* Joseline Bucog
Kasabay ng pag-alala natin sa kanila ay ang panatang patuloy tayong magkakaisa’t kikilos para sa katarungan at pagtataguyod ng kalusugan, kaligtasan at karapatan ng mga waste worker sa buong bansa.
Katarungan para sa Prime Waste 39 Victims!
Waste to Energy, Tutulan, Labanan!
Ipasa ang Magna Carta of Waste Workers!
Criminalize OSH Standards Violations! House Bill 5221, Ipasa Na!
Lubos ang aming pasasalamat sa mga organisasyon at indibidwal na lumahok sa mga aktibidad ngayong araw na ito.
Code Green PH
KABATAAN PARTYLIST
Kalikasan
Ecowaste Coalition
Philippine National Waste Workers' Alliance
Samahan ng Maralita sa Upper Smokey Mountain
Greenpeace Philippines - Cebu