08/04/2026
Kaisa ng sambayanan ang Kagawaran ng Edukasyon sa paggunita ng ika-84 Araw ng Kagitingan ngayong Abril 9. 🇵🇭
Kasabay nito, ipinagdiriwang din ng bansa ang Philippine Veterans Week. Hangad natin na magsilbing inspirasyon sa bawat isa ang kagitingan at kabayanihan ng ating mga Pilipinong beterano na nagbahagi ng kanilang serbisyo para sa kasarinlan ng ating bansa.