BRC CEBU

BRC CEBU Organization and Charitable..

25/06/2026

π‹π“πŽ π‚π‡πˆπ„π…, ππ„π‘π’πŽππ€π‹ 𝐍𝐀 ππ€πŠπˆπ“π€ 𝐀𝐍𝐆 ππ€π†π’π€πŠπ€π˜ 𝐍𝐆 πŒπ†π€ ππ€π’π€π‡π„π‘πŽ 𝐒𝐀 π‹πˆπŠπ”π‘π€ππ† ππ€π‡π€π†πˆ 𝐍𝐆 ππˆπ‚πŠ-𝐔𝐏 π“π‘π”π‚πŠ; 𝐀𝐆𝐀𝐃 𝐍𝐀 πˆππˆππ€π†-π”π“πŽπ’ 𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆-πˆπ’π˜π” 𝐍𝐆 π’π‚πŽ, π‹πˆπ’π„ππ’π˜π€ 𝐍𝐆 πƒπ‘π€π˜ππ„π‘ π’π”π’ππ„ππƒπˆπƒπŽ, π’π€π’π€πŠπ˜π€π πˆππ€π‹π€π‘πŒπ€

Sa ilalim ng pamumuno ni Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, agad na ipinag-utos ng Land Transportation Office (LTO) ang paglalabas ng Show Cause Order (SCO) laban sa rehistradong may-ari at drayber ng isang Ford Ranger matapos itong personal na mamataan at makuhanan ng larawan ni Assistant Secretary Lacanilao habang nagsasakay ng mga pasahero sa likurang bahagi ng sasakyan sa isang pampublikong kalsada.

Habang bumibiyahe nitong umaga, Hunyo 23, 2026, personal na naaktuhan ni Assistant Secretary Lacanilao ang isang Ford Ranger na nagsasakay ng mga tao sa truck bed o likurang bahagi nito habang umaandar sa isang pampublikong kalsada. Agad niya itong nakuhanan ng larawan bilang ebidensya at iniutos ang agarang beripikasyon upang matukoy ang sasakyan at mga taong responsable sa naturang paglabag.

Matapos ang isinagawang paunang beripikasyon ng LTO, agad na naglabas ang ahensya ng SCO laban sa rehistradong may-ari at sa drayber nito upang pagpaliwanagin kaugnay ng insidente at mga posibleng paglabag sa umiiral na batas at regulasyon ng ahensya.

"Hindi natin maaaring balewalain ang mga gawaing naglalagay sa panganib sa buhay at kaligtasan ng mga pasahero. Ang pagsakay ng mga tao sa likurang bahagi ng isang pick-up truck habang bumibiyahe ay isang mapanganib na gawain na maaaring magresulta sa malubhang aksidente. Kaya agad nating inaksyunan ang kasong ito upang mapanagot ang mga responsable," pahayag ni Assistant Secretary Lacanilao.

Inaatasan ng LTO ang rehistradong may-ari at ang drayber na humarap sa Intelligence and Investigation Division (IID) at magsumite ng sinumpaang paliwanag kung bakit hindi sila dapat managot sa paglabag sa pagbabawal sa pagsasakay o pagpapahintulot na magsakay ng tao sa likurang bahagi ng sasakyan o Hitching or Permitting a Person, Bicycle, Motorcycle, Tricycle, or Skate Roller to Hitch to a Motor Vehicle.

Inaatasan din ang drayber na ipaliwanag kung bakit hindi dapat suspendihin, o bawiin ang lisensya dahil sa pagiging Improper Person to Operate a Motor Vehicle.

Habang nagpapatuloy ang imbestigasyon, iniutos ng LTO ang agarang pagsuko ng lisensya ng sangkot na drayber at isinailalim ito sa siyamnapung (90) araw na preventive suspension. Samantala, inilagay rin sa alarm status ang Ford Ranger upang hindi ito makapagsagawa ng anumang transaksyon sa LTO habang dinidinig ang kaso.

Muling pinaalalahanan ng LTO ang publiko na mahigpit na ipinagbabawal ang pagsasakay ng mga tao sa truck bed o likurang bahagi ng mga pick-up truck habang bumibiyahe sa pampublikong kalsada. Patuloy na paiigtingin ng ahensya ang pagpapatupad ng mga batas-trapiko laban sa mga iresponsableng gawain sa kalsada na naglalagay sa panganib sa buhay ng mga pasahero at ng publiko, bilang bahagi ng layunin nitong maisulong ang mas ligtas, mas disiplinado, at mas maayos na mga kalsada para sa lahat at magsasagawa ng kaukulang aksyon laban sa mga lalabag.

Address

Cebu City
6000

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BRC CEBU posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share