31/01/2023
Romans 5:5
"And hope does not put us to shame, because God's love has been poured out into our hearts through the Holy Spirit, who has been given to us."
Maraming tao ang nag sasabi na "siguro kung nasa puso lang natin ang pag mamahal ni Kristo". Sobrang dali na lang sa atin ang mag patawad, or mag mahal ng mga taong mahirap mahalin. Pero kapatid, malinaw na sinabi sa bibliya na nasa atin na ang pag mamahal ng Panginoon. Nasa ilalim lang ito ng puso natin. Para bang seed na nasa ilalim ng lupa na kailangan mo alagaan para tumubo. Same thing with God's love, you need to work para makita mo and to produce great fruit.
May mga nag sasabing "Impossibleng nasa akin ang pag mamahal ni Kristo." Bakit? Kasi alam natin na may hatred tayo, may galit tayo sa kapwa natin, mapride tayo, or hindi natin mapatawad ang sarili natin dahil naka kulong pa tayo sa nakaraan. Kapatid! Wag mo ikulong ang sarili mo sa galit. Tanggapin mo ang pinaka the best sa the best na gift sten ng Panginoon kasi dahil sa pag mamahal niya. Nag karoon tayo ng salvation. Nasa atin ang pag mamahal ng Panginoon. Maaring natatakpan lang ng bato or it might be choked by some thorns. LALABAS YAN IF HAHAYAAN MONG LUMABAS.
Look to the greatest one in you that has put His love inside of YOU! Dapat lagi natin sinasabi na nasa atin ang pag mamahal ng PANGINOON. Let us call this "seed of love". Give it spiritual food and water that it needs everyday and watch a great harvest of this fruit of love come out of you .
-Bro. Raymund A.