30/05/2025
Palarong Pambansa 2025 | Nakuha ni Audrey Maris D. Morales ang Silver medal sa katatapos lang na Women Artistic Gymnastics Elementary level - Ilocos Norte.
Saksi ako sa pagpupursigi mo para sa laban na ito, kasama mo ako at ang buong Bayan ng Tanza sa bawat talon,lipad at pag-ikot ng iyong mga paa at kamay para makuha natin ang tagumpay. Masaktan ka man pero hindi ka bumitaw sa laban.
Patunay ng Galing,Talino at Determination ng Kabataang Tanzeña. Ang tagumpay mo ay mag sisilbing inspirasyon hindi lamang sa kanyang mga kasama sa CALABARZON kundi sa lahat ng kabataang atleta na nangangarap ding maabot ang tagumpay sa larangan ng palakasan.
Congratulations Audrey!
Proud Tanzeña!