01/11/2025
STAND AND PROUD MEMBER OF CIASI DISTRICT 1 CHAPTER,
AGTUL TULOY ITI PAKAKITAAN AHAN NGA SARITA,
AGBIAG AGBIAG AGBIAG
π‘ππ’π, π‘ππ-πππ’π§ π‘π π§π¨ππ’π‘π π¦π π¦ππ‘ ππ₯ππ‘πππ¦ππ’ πππ ππ§ππ₯π¬; πππ₯π’ ππ ππ₯πππ‘ππ¬, π‘πππ§πππ
Cauayan City β Naging maayos at mapayapa ang pagdaloy ng Undas sa San Francisco Cemetery matapos magbigay ng assistance ang ibaβt ibang non-government organizations, habang nananatiling zero emergency ang tala ngayong araw.
Namahagi ng food packs sa mga dumadalaw ang Confederation of Ilocano Association, Incorporated o Samahang Ilocano (CIAI-SI) District I Chapter. Ayon kay Mel de Guzman, Vice President ng grupo, ito ang unang pagkakataon na nagsagawa sila ng ganitong aktibidad.
Dagdag ng kanilang organization secretary, layon nilang gawing taunang tradisyon ang pamamahagi ng tulong tuwing Undas.
Patuloy ding dumadagsa ang mga deboto sa sementeryo, kabilang si Maria Mora na nagsabing hindi siya pumapalya sa pagdalaw sa puntod ng kanyang yumaong asawa anuman ang lagay ng panahon. Hindi rin nawawala ang presensya ng mga vendors sa paligid ng sementeryo.
Ayon kay Stephanie Pardo, malakas ang bentahan ng kakanin at inumin mula umaga at plano niyang magtinda hanggang gabi dahil inaasahang may darating pang mga bisita.
Samantala, kinumpirma ng Rescue 922 BGD Command Center na wala pa silang naitalang anumang emergency mula umaga hanggang tanghali.
Ayon naman sa pamunuan ng sementeryo, mahigit isang libong labi ang nakalibing sa lugar, kabilang ang mga nasa apartment-type na nitso at ossuary.
Bahagyang lumamig ang panahon nang magtago ang araw, dahilan para mas dumami pa ang mga bumisita na nais umiwas sa posibleng siksikan.
Naging magaan din ang daloy ng trapiko dahil sa presensya ng NGOs gaya ng Guardians na tumutulong sa pag-asiste sa mga motorista.
Mananatiling nakaantabay ang mga tauhan ng PNP hanggang bukas alinsunod sa direktiba ni Police Lieutenant Colonel Avelino D. Canceran Jr., upang matiyak ang patuloy na seguridad at kaayusan sa pagdiriwang ng Undas.
ββ---------------------------------------
βPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β
β
β
β