29/05/2026
yan ang pres namin!
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ญ๐ก๐๐ฅ๐๐ข๐ง | ๐๐ข๐ ๐ข๐ญ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฉ๐๐ง๐ฌ๐๐ง๐๐ง: ๐๐ฐ๐๐ง๐ญ๐จ ๐ง๐ ๐๐๐ง๐ ๐๐ซ๐๐ฉ, ๐๐๐ง๐ข๐ง๐ข๐ง๐๐ข๐ ๐๐ง, ๐๐ญ ๐๐๐ญ๐๐ญ๐๐ ๐๐ง
โ
โMapalad ang sinumang may palad na matitingnan at mapagtatanungan kung saan siya dadalahin ng guhit ng kaniyang kapalaran.
โ
โNgunit sa kasamaang palad, may mga palad na walang ibang maituturo kundi ang mapait na reyalidad ng mapanghusgang lipunan.
โ
โMadalas, nalilibot mo ang kalsada - maingay at dinig ang yapak ng bawat paa. Ngunit, ni isa sa kanila hindi mo kilala. Isang patunay na hindi lahat ay makikilala ng iyong mga mata - iba pa rin 'pag nakausap at nakasama mo na. Tulad na lamang ng tatlong araw na pagtitipon upang isagawa ang Ibabao Youth Summit 2026 na binubuo ng mga kabataan mula sa iba't ibang organisasyon at munisipalidad ng Hilagang Samar. Dito sila nabigyan ng pagkakataon na makihalubilo sa iba. Kaniya-kaniyang interaksyon, ngunit iba-iba ang istorya ng buhay. May mga nakangiti, subalit sa loob lumuluha. Isang paalala ng tunay na diwa ng katapangan sa likod ng mga unos sa buhay.
โ
โNgayon, nais kong kilalanin nating lahat ang istorya ng isang taong isinilang na may dugong matapang. Hindi lamang isang simpleng bata, kundi isang modelo para sa karamihan. Taong may pangarap para sa pamilya at sa komunidad.
โ
โSa isang maunlad na munisipalidad ng Bobon, Hilagang Samar, naninirahan ang mag-asawang sina Liesel D. Morecho at Efren D. Morecho. Sila ay may limang anak na binubuhay sa pamamagitan ng pagbebenta ng sariwang isda at karne. Sa ilalim ng mainit na tirik ng araw, sinisikap nilang magtrabaho para sa pantawid gutom ng kanilang pamilya. Kaya naman, hindi nakapagtatakang mabiyayaan sila ng isang mabuti at masipag na anak - batang puno ng pag-asa at naghahangad na maging isang mahusay na abogado at lingkod-bayan. Siya ay walang iba kundi si Christian D. Morecho, 17 na taong gulang at kasalukuyang mag-aaral sa Bobon School for Philippine Craftsmen (BSPC) at kabilang sa iba't ibang organisasyon sa paaralan at komunidad.
Subalit, sa hindi inaasahang pangyayari, si Christian ay isinilang bilang isang Person With Disability. Hindi niya maiwasan ang makarinig ng masasamang komento dahil sa kaniyang kalagayan. Aniya, "Iba ang aking pananaw sa mundo dahil alam ko kung gaano kahirap kumilos nang tila walang nakakakita o nakakaunawa sa amin. Mahirap tanggapin ng lipunang kinabibilangan ang mga taong may kapansanan, lalo na kapag may mga pangungutya, paghusga, at mga tanong kung kaya ba naming manguna kahit ganito kami."
โ
โPuno man ng hindi kaaya-ayang mga salita ang kaniyang tainga, hindi ito naging hadlang upang hindi siya magpatuloy sa buhay. Sa halip na panghinaan ng loob, ginagawa niya itong inspirasyon. Wika pa niya, ito ay nagsisilbing gasolina niya upang mas pagbutihin pa lalo ang kaniyang angking kakayahan at talento. Dagdag pa niya, "Ang bawat pagsubok ay nagsisilbing paalala upang lalo kong pagtibayin ang aking loob at ihanda ang sarili sa mas malalaking hamon na aking kakaharapin sa buhay."
โ
โBukod sa hirap ng pagiging PWD, isa rin sa kaniyang mga hamon ang kahirapan at hindi maayos na sistema ng pamahalaan. "Hindi madaling manirahan sa bansang mahal mo ngunit mahirap ding ipaglaban," sambit ni Christian. Ngunit sa kasagsagan ng hirap, pinipili niyang maging matatag para sa mga pangarap. Naniniwala siyang ito ay magdadala sa kaniya upang maging tinig ng pag-asa para sa iba, sapagkat mahalagang maging liwanag tayo na magbibigay inspirasyon at pag-asa sa ating kapwa - sa gitna ng dilim at kahirapan.
โ
โSa huli, nais niyang mag-iwan ng makabuluhang mensahe para sa kapwa niya batang nangangarap: "Para sa mga kabataan nowadays, let's just continue to make a difference in our community. Let's be the change-makers and don't be afraid to go out and experience the life, lalo na sa hirap ng buhay ngayon. Experience the luxury of life, dahil lahat ng nangyayari sa ating buhay, ay may dahilan. As I always say, let them and let God. Nais kong itatak sa kanila na every challenge that comes, dapat ginagamit natin ito as motivation to keep on moving, to keep on going."
โ
โMuli, siya sa Christian Morecho, isang batang puno ng pag-asa at liwanag. Kumakapit sa mga katagang: "Let them and let God" sa lipunang puno ng mga taong mapagmataas at mapanghusga sa buhay na mayroon siya.
โ
โAng kaniyang kwento ay representasyon ng katatagan ng bawat Pilipino. Sa kabila ng kahirapan at sitwasyon bilang PWD, pinapahalagan niya pa rin ang buhay na ipinagkaloob ng Diyos. Kung tingin ng iba na may kulang sa kaniya, para kay Christian, buong-buo ang kaniyang pagkatao sapagkat unti-unti niyang natutupad ang kaniyang mga pangarap - sa maliit man na anyo ng tagumpay.
Kailanma'y hindi naging hadlang ang kaniyang kapansanan upang sumuko. Sa halip, mas pinagbubutihan pa niya ang kaniyang pag-aaral. Tulad ng Siklab, nag-aalab din ang kaniyang paninindigan sa mga bagay na kaniyang pinaniniwalaan. Nawa'y magsilbing inspirasyon pa ng mas maraming bata ang kwento niya. Padayon, Christian!
โ
Akda ni: Alexa Jane Mejica
Litratro ni: Breanna Joy Coquia at Chizra Labagala
via The Fulcrum Press - GVS
in partnership with Northern Samar Provincial Youth Development Office