21/04/2025
"COMMUNITY ORIENTATION"
Nagsisimula ang aktwal na BDP-PRA sa pamamagitan ng isang community orientation. Isang maikling programa ang inihahanda kung saan ang mga tao sa barangay at ang mga tagapagpadaloy ay nagkakakilala. Mahalagang makadalo ang mga opisyales ng barangay sa bahaging ito lalong-lalo na ang mga myembro ng Barangay Development Council o BDC. Magandang anyayahan at bigyan ng bahagi ang mga kinatawan ng munisipyo at mga ahensya sa programa upang maramdaman ng mga taga-barangay ang suportang nanggagaling sa munisipyo at iba pang ahensya.
Sa community orientation, mahalagang matiyak na ang mga kinatawan ng mga sektor at mga purok ay makadalo. Dito nagpapakilala ang mga tagapagpadaloy ng pagpaplanong magaganap sa mga taga-barangay. Inilalahad din sa kanila ang layunin ng BDP-PRA at ang pagtalakay sa konsepto ng kaunlaran na gustong makamit sa pamamagitan ng mapanlahok na pamamaraan.
Community Sectoral Planners
Pagkatapos ng maikling programa, ang mga taga-barangay ay hahatiin sa anim na grupo upang maging community sectoral planners. Ang mga sectoral planners ay nakabatay sa iba't-ibang isyu sa loob ng komunidad. Ang bawat grupo ay may kanya-kanyang takdang gawain upang mabuo ang planong pang-kaunlaran ng barangay. Mahalagang maipaliwanag ng mgatagapagpadaloy ang konteksto ng bawat grupo upang hindi maligaw sa proseso. Nararapat na tiyakin ng mga tagapagpadaloy ang kaangkupan ng mga kalahok sa uri ng sektor na kanilang nilalahukan.
Ang iba't-ibang grupo sa pagpaplano at ang kanilang nakatakdang suriin ay ang mga sumusunod:
Land Use and Ecological Development Sector
*Kasalukuyan at potensyal na gamit ng lupa sa barangay
*Mga programa o proyekto para sa
*pangangalaga ng ekolohiya
*Likas yaman ng barangay
*Kapaligiran
*Kagubatan
*Pamamahala ng lupa
Economic and Fiscal Development Sector
*Proyektong pang-kabuhayan
*Pagpapaunlad ng kooperatiba
*Mga negosyong pinagkakakitaan ng mga tao
*Mga pinagkakakitaan ng mga tao sa barangay
*Pinanggagalingan ng kabuhayan ng mga tao
*Pagbebenta ng mga produkto
*Mga pinagkakagastusan
*Mga pinagkakautangan
*Mga industriya at negosyo sa barangay
*Kita ng bawat pamilya
Agriculture and Industrial Development Sector Pagpapaunlad ng agrikultura at
*pangangalaga ng ekolohiya
*Paghahayupan
*Mga serbisyong kaugnay ng agrikultura
*Kalakalan
*Pagmamay-ari ng lupang sinasaka
*Klase ng lupa
*Mga binhi
*Mga peste at sakit ng mga pananim
*Mga pananim at puno
*Yamang-dagat
*Mga pamamaraan ng pagsasaka at pangingisda
*Kagubatan
Human Development Sector
*Mga kabahayan
*Kalusugan at Nutrisyon
*Populasyon
*Edukasyon (Pormal at Di-pormal)
*Kalusugan
*Demographic data
*Kasaysayan ng barangay
*Tubig at kalinisan
*Katahimikan at kaayusan (peace and order)
*Gender concerns
*Special concerns (senior citizens, mga katutubo, at iba pa)
Infrastructure Development Sector
*Patubig
*Elektripikasyon
*Kalsada at mga tulay
*Komunikasyon
*Mga pampublikong gusali
*Transportasyon
*Imprastrakturang pambarangay (brgy hall, health center, day care, etc)
*Irigasyon
Development Administration Sector
*Kakayahan ng local na pamahalaan sa paghahatid ng mga batayang serbisyo
*Demokratikong pakikilahok sa pamamahala
*Pakikilahok ng mga people's organization at non-government organizations
*Aktibong Barangay Development Council
*Regular na pagpapatawag ng barangay assemblies
*Mga naipasa at naipatupad na mga batas
*Pangangalap at pagprayoridad ng pondo (hal. paggamit ng IRA at 20% development fund)
By: Agnes D. Cisneros