31/12/2025
Para sa mga Mamamayan ng Bayan ng Castillejos
Ipinapaalam po sa lahat na mahigpit na ipinatutupad sa Bayan ng Castillejos ang ANTI MUFFLER MODIFICATION alinsunod sa Municipal Ordinance No. 14-01
Alinsunod sa nasabing ordinansa, may awtoridad ang mga opisyal ng Barangay kabilang ang Punong Barangay (Kapitan), mga Kagawad, at Barangay Public Safety Officers (BPSO ) na mag-isyu ng citation ticket at mangumpiska ng mga iligal o modified na muffler sa mga sasakyang lalabag sa batas.
Mahigpit na Paalala sa Lahat:
Sa sinumang magtatangkang magpakabit ng
modified muffler, magpatakbo ng sasakyang*labis ang ingay, o magbomba-bomba sa lansangan, huwag na po ninyong subukan Ito ay malinaw na paglabag sa ordinansa, nagdudulot ng istorbo sa kapwa mamamayan, at maaaring humantong sa pagkumpiska ng muffler at pagpapataw ng kaukulang parusa
Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa pagpapanatili ng katahimikan, kaayusan, at kaligtasan sa pagsalubong sa Bagong Taon sa Bayan ng Castillejos.
Makiisa po tayo sa pagsunod para sa ikabubuti ng lahat.